John at Toni, friends pa rin!
Mabuti na lang at hindi naapektuhan ng isyu sa pagitan nina John Prats at Direk Paul Soriano ang pagkakaibigan ng batang aktor at ni Toni Gonzaga.
Naging emosyonal ang pagkikita ng magkaibigan sa ASAP ’07 nung Linggo nang tanghali, yun ang una nilang pagkikita pagkatapos ng isyu, walang nagbago sa kanilang samahan.
Aminado si John na nasaktan ito at ang kanilang pamilya sa binitiwang “no comment” ni Direk Paul tungkol sa pagdadalantao ni Camille, pero ayon sa aktor, nung manghingi ito ng paumanhin ay wala nang dahilan pa para magtampo ang pamilya sa director.
Wala nga namang problemang hindi naiaayos sa magandang usapan, kailangan ding bukas ang puso ng magkabilang panig sa pang-unawa, para matapos ang anumang problema.
Kasama ni Toni nung Linggo nang hapon sa The Buzz si Direk Paul, nasa isang tabi lang siya ng studio, nanonood lang sa aming interbyuhan.
Hindi mahilig sa mga camera si Direk Paul, napipilitan lang siyang magpainterbyu dahil na rin sa pakiusap ng mga kaibigang hosts ni Toni, pero kung ang binatang director ang masusunod ay mas gusto niyang nasa likod lang siya ng mga camera.
Nung sabihin nga ni John na dapat daw kasi ay hindi naman siya kasahog sa isyu, pero kung bakit nakikisali pa si Direk Paul, ay tinawagan kami ng kanyang tiyahing taga-Nueva Ecija.
Ano raw ba naman ang gustong palabasin ni John, na matakaw sa exposure si Direk Paul? Hindi man nito diretsong sinabi ay parang nababasa na namin ang gusto nitong tukuyin, hindi nangangarap na maging artista si Direk Paul at naging bahagi na lang siya ng showbiz dahil sa relasyon nila ni Toni Gonzaga.
Mataas ang respeto ni Direk Paul sa showbiz, ito ang naging mundo ng namayapa niyang lolo (Nestor de Villa), pero meron din naman syempre siyang ibang linya.
Mas gusto niyang makilala siya ng publiko bilang magaling na director, maraming patalastas nang napapanood natin ngayon ang mula sa kanyang pamamahala, kilalang-kilala ang kahusayan niya sa pagdirek sa sirkulong kinabibilangan niya.
Syempre’y binulabog na naman ng presensiya ni Direk Paul ang studio ng The Buzz, nananahimik na nga siya sa isang tabi, pero talagang sinusundan pa rin siya ng tingin ng mga nandun.
“Heto ang piso, pauwiin n’yo na si Toni!” pabiro pang sabi ng isang bading na talaga namang gwapong-gwapo sa boyfriend ni Toni Gonzaga.
* * *
Hindi namin napanood ang special ni KC Concepcion nung Linggo nang gabi dahil sa mas nauna naming kompromiso, pero habang nasa pagtitipon kami ay maraming mensahe sa text ang aming tinatanggap, puring-puri nila ang dalaga ng megastar.
Kailangang bigyan namin ng espasyo ang mensahe ng kaibigang Obet Sapin, isang loyalista ni Governor Vilma
Makabuluhan ang komento ni Obet, kailangang makarating ito kay Sharon Cuneta, dahil ito ang pinakabuod ng opinion ni Obet na sumasaludo kay KC.
“Role model po talaga si KC Concepcion, very evident ang magandang pagpapalaki sa kanya ng megastar, mapapahiya ang maraming local stars natin na puro pasaway at palaging involved sa mga iskandalo kay KC.
“I hope mapag-aralan po ni KC ang classic French song na “Hymne A L’amour”, napakaganda po ng version ni Josh Groban nun, sa second album niyang “Closer.”
“The English Version is “If You Love Me” na pinasikat ni Brenda Lee nung 60’s, hope makanta po niya yun or ni
Nainterbyu namin si KC sa DZMM (Showbiz Mismo) nung Biyernes nang hapon, mabibilang mo ang pagbibitiw ng Ingles ni KC, Tagalog na Tagalog siyang sumagot sa mga tanong.
Apat na taon siyang nag-aral sa Paris, bago siya nagpunta sa
Napakalayo niya sa mga taong isang linggo lang yatang nagbakasyon sa ibang bansa, pero pagbalik sa Pilipinas ay meron nang twang kung magsalita, susmaryosep!
- Latest