Pops, galit pa rin kay Martin
Ang dating Miss Universe (1969) turned actress na si Gloria Diaz ang pinakabagong endorser ng Calayan Surgicenter. Siya bale ang prime endorser ng pinakabagong treatment ng Calayan Surgicenter, ang tenor skin laser at vaser lipo na non-surgical. Natutuwa siyempre ang beauty queen-actress dahil nakikita niya mismo ang magandang resulta sa kanyang mukha at katawan.
Bukod kay Gloria, ilo-launch din bilang endorser ng Calayan Surgicenter ng mag-asawang Drs. Manny at Pie Calayan ang kanyang pamangkin at kasintahan ni Richard Gutierrez na si Georgina Wilson.
Samantala, ikinuwento ni Gloria na ang kanyang 19-year-old daughter na si Isabel Daza (sa kanyang ex-husband na si Bong Daza) na umiyak ito matapos mapanood ang pelikula nina Aga Muhlach, Maricel Soriano at Angelica Panganiban, ang A Love Story.
Agaw eksena nga raw ito sa loob ng sinehan dahil humihikbi ito habang pinapanood ang pelikula, kasama ang kanyang kaibigang si Liz Uy (gf ni John Lloyd Cruz). Nang bumukas ang ilaw, hindi raw maiangat ni Isabel ang kanyang mukha sa sobrang hiya dahil mugto ang kanyang mga mata kaya nagpahuli na silang lumabas ng sinehan.
Kung si Gloria lamang ang masusunod, ayaw niyang pasukin ng kanyang anak ang showbiz hangga’t hindi nito natatapos ang kanyang pag-aaral. Gusto niyang i-prioritize ni Isabel ang kanyang pag-aaral. Twenty-five si Gloria nang siya’y mag-artista.
* * *
Pabalik na ng Pilipinas si Pops Fernandez galing sa kanyang extended one-month concert tour with Kuh Ledesma pero isang buwan lamang siyang mamamalagi rito at babalik siya ng Amerika upang ipagpatuloy ang kanilang tour ni Kuh. Ayon kay Pops, itong concert tour nila ni Kuh ang kanyang pinakamahabang tour na aabutin na ng 30 cities.
At sa kanyang muling pagbabalik sa buwan ng November ay haharapin naman ni Pops ang paghahanda para sa kanyang major concert sa Araneta Coliseum on December 7, limang araw bago ang kanyang birthday. Bukod sa ito’y pre-birthday concert niya, magsisilbi rin itong 25th anniversary concert niya dahil 25th year na niya ito sa showbiz.
Sa kabila ng pagiging abala ni Pops sa concert tour laluna sa ibang bansa, nami-miss din niya ang pagkakaroon ng regular TV show at paminsan-minsang paggawa ng pelikula.
Pagdating naman sa kanyang lovelife, aminado siyang going strong pa rin ang relasyon nila ni Jomari Yllana pero wala raw sa kanilang immediate plans ang pagpapakasal.
Sina Pops at Jomari ay pareho nang annulled sa kanilang first marriages - si Pops sa ex-husband nitong si Martin Nievera at si Jomari sa ex-wife nitong si Aiko Melendez.
Nang magkita kami ni Pops sa New Jersey, USA last Aug. 18, sinabi nito na hindi pa umano sila on speaking terms ng kanyang ex-husband na si Martin. Pero hindi na man nito sinasarhan ang posibilidad na muli silang magkakasama sa trabaho lalo na sa concerts.
* * *
- Latest