Angelica, mang-aagaw ng eksena sa Ysabella!
Paiinitin daw ni Angelica Panganiban ang dugo ng avid viewers ng Ysabella umpisa bukas, Lunes dahil kung ano raw ang mga ipinakita niyang kaseksihan sa pelikulang A Love Story with Aga Muhlach at Maricel Soriano ay siya rin niyang gagawin sa soap drama nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos.
Medyo nagulat kami sa tsikang ito dahil ano naman ang role ni Angelica sa Ysabella, e, parang hindi na naman siya need sa istorya?
“May mga eksena siyang naka-two piece at may kuneksyon sa Mitos (Derek Ramsay) at Ysay (Judy Ann Santos) relationship,” tipid na kuwento sa amin ng taga-production.
Ah, baka gagamitin lang si Angelica sa Ysabella kasi mawawalan ng exposure si Derek dahil si Budaday ay na kay Albert (twin brother ni Andrew played by Ryan Agoncillo).
* * *
Pakisuyo ng manager ng Sexbomb Girls na si Joy Cancio na ang kapatid daw ni Sexbomb Crystal Moreno (pamangkin ni Alma Moreno) na si Isabelle ay tatlong araw na raw nawawala at ang paalam sa magulang ay pupunta lang ng parlor.
“Pasuyo naman po, ina rin ako kaya alam ko ang feeling ng nawawalan ng anak, e, tinanong ko nga kung may boyfriend baka kako nagtanan, wala raw, kaya worried ang pamilya ni Crystal,” pakiusap sa amin ni Joy.
Nai-report na raw ito sa pulis at hanggang ngayon ay wala pang resulta kung nasaan ang bagets na kapatid ng nasabing Sexbomb girl.
And speaking of Sexbomb ay malabong tanggapin pa ni Joy ang pasaway niyang miyembrong si Jackie Rivas dahil hindi pa rin daw ito tumutupad sa mga pangakong hindi na magpapa-late sa mga commitment.
“Ako kasi ang napapahiya, imagine alas diyes ng umaga ang call time sa Eat Bulaga, alas onse y media na dumating, hindi ba nakakahiya ‘yun? Tapos ‘yung jazz lessons niya na kailangan niyang siputin every Tuesdays, Wednesdays at Thursdays ay hindi niya nagagawa? Binigyan ko ‘til September 15 para baguhin ang sarili, e, mukhang wala na talaga. Pagod na ako,” esplika ni Joy sa amin.
At si Cynthia Yapchingo na nagpa-tattoo ay posibleng makabalik sa SB kapag pinatanggal daw ang tattoo na binigyan naman ng palugit ni Joy hanggang nung Biyernes pero hindi pa rin napatanggal dahil busy naman sa prior commitment, “Hanggang this week na lang,” saad ni Joy uli sa amin. - Reggee Bonoan
- Latest