Iza, nalilinya sa mga foreign actors
Sa September 20 ang balik ni Iza Calzado mula sa
Sa phone kinausap si Iza tungkol sa project at dahil wala rito, ang GMA Artist Center ang nag-ayos ng kanyang schedule. Ang concern nito’y hindi maapektuhan ang shooting niya ng Desperadas dahil nag-promise kina Mother Lily at direk Joel Lamangan na ito ang aasikasuhin sa kanyang pagbabalik.
After Jesse Bradford sa The Echo, si Ken Zhu ang makakapareha ni Iza sa Batanes. Marunong mag-English ang Taiwanese singer-actor at wala silang magiging communication problem habang nagsu-shooting.
* * *
Malakas sa airplay ang “Crazy Love,” carrier single ng debut album ni Kim Chiu na “Gwa Ai Di” dahil ilang taxi na ang nasakyan namin at ang kantang ‘yun ang lagi naming naririnig. Dinig namin, maganda rin ang sales ng album na naglalaman ng three Chinese songs.
Pamilyar sa fans ni Kim ang “Peng Yeo” dahil kinakanta niya ito noong nasa PBB pa siya. Ang “The Moon Represents My Heart” ay kinakanta ni Jerry Yan ng F4 sa kanyang mga show at wala naman kaming background sa title-track. Ha-ha-ha!
Nasa album din ang duet nina Kim at Gerald Anderson ng “I’ve Fallen For You” na theme song ng latest movie from Star Cinema with the same title. Naurong sa September ang playdate ng pelikula sa ‘di namin malamang dahilan.
Mabait na bata si Kim dahil kahit matagal nang hindi nakikita ang ina, kasama pa rin ito sa kanyang pinasalamatan sa acknowledgement portion ng album. Pati relatives na walang bilib sa kanya dati ay pinasalamatan sa suporta raw sa kanya.
* * *
Birthday ni Maja Salvador sa October 5, at 19 years old na siya, pero wala siyang party. “Gastos lang ‘yun,” sabi nito. Gaya ni Mother Lily, ang birthday wish niya’y kumita ang My Kuya’s Wedding na showing sa August 29, para hindi mawala ang trust sa kanya ng producer at para matuloy ang movie nila ni Richard Gutierrez.
‘Katuwa ang sagot ni Maja sa tanong kung bakit siya sinugalan ng Regal?
“Hindi ko nga alam. Takot nga akong magbida dahil feeling ko, ‘di pa ako ready, hindi pa right time. Panghahawakan ko na lang ang trust ni Mother Lily, pero movie ito ni Ryan (Agoncillo). Siya ang kuya at wedding niya ito, ako na lang ang “My.”
- Latest