Maja, dedma muna kina Carlo at Jason
Hindi malaman ni Maja Salvador kung ano ang nararamdaman niya sa ngayon dahil magkasunod daw ipalalabas ang pelikulang My Kuya’s Wedding at ang soap dramang Pangarap Na Bituin with Sarah Geronimo at Rica Peralejo. Sa Aug. 29 ang movie at sa Sept. 3 ang sa TV.
Gagampanan ng young actress ang role na singer bilang si Ruby na kapatid nina Sarah at Rica na gaganap naman bilang sina Emerald at Sapphire.
Syempre ang unang tanong ay kung marunong bang kumanta si Maja dahil alam naman ng lahat na sa pagiging artista siya nakilala at hindi sa pagkanta.
“Pinakanta po ako nina Ma’am Malou
“Nakaka-kaba siyempre, kasi Sarah Geronimo ‘yung kasama ko at magaling siyang singer, so talagang matsa-challenge ka. So far po, okey naman, pagbubutihin ko na lang.”
At dahil super hectic ang schedules ngayon ni Maja ay no time for lovelife muna siya.
So, dedma na sina Carlo Aquino at Jason Abalos?
“Si Carlo po, matagal na kaming hindi nagkikita at hindi na rin tumatawag, si Jason po, siyempre nagkikita kami sa shooting ng movie namin at saka dito sa ABS, nagkikita rin po kami, hanggang doon lang,” kuwento ulit ni Maja.
Samantala, wala pa palang linaw kung papayagan si Maja ng Star Cinema big boss na si Ms. Malou Santos na gumawa ng movie sa Regal Entertainment with Richard Gutierrez dahil katatapos lang niyang gawin ang My Kuya’s Wedding na launching movie niya. –Reggee Bonoan
- Latest