^

PSN Showbiz

Jolina, pwede nang manirahan sa US

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Noong nakaraang taon ay na-deklara pala si Jolina Magdangal ng US Department of Homeland as an alien of extraordinary abilities. Ang deklarasyong ito ang nagbigay kay Jolens ng pag­ka­kataon na manira­han, magtrabaho ka­hit pa magtayo ng negosyo sa Amerika anomang oras.

Sa kabilang banda, pahinga muna sa soap opera si Jolens. Abala ito sa Unang Hirit, Working President at Masigasig sa QTV 11. Nariyan pa rin ang concert niya sa loob at labas ng bansa.

Sa kabila ng kaabahalan nito sa show­ biz commitment ay hindi nito napa­paba­yaan ang kanyang foundation, ang Joli­na’s Home for Little Angels. Na­katutok ito sa mga abandoned children sa Cebu, ka-partner ng Kapuso Found­ation at spokesperson ng Child­ren’s Hour ng Make a Wish Found­ation.

Maraming nagsa-suggest na mga taga­hanga na sana’y siya na lang ang kumanta ng pam­bansang awit ng Pili­pinas sa nalalapit na la­ban ni Manny Pac­quiao-Bar­rera sa Ame­rika. Ki­lalang-kilala na ito sa US.

Toni, Hindi Na Jinx!

Walang sapawang nangyayari kina Toni Gonzaga, Mariel Ro­driguez at Bianca Gon­zales sa Enter­tain­ment Live, para lang nag-uusap sa kanto ang tatlong hosts.

Naikwento ni Toni na noong lumipat siya sa Dos ay tinawag siyang “jinx”.

“Pag na­kakarinig ako ng “jinx,” napa­palingon agad ako dahil akala ko, ako ang tinutukoy. I’m a positive person and I prayed hard na ‘wag naman akong maging “jinx” at dininig naman ang aking panalangin,” ani Toni.

Bukod sa napaka­gan­­dang career ay ma­ligaya ang lovelife ni Toni dahil compatible sila ni Paul Soriano.

BIANCA GON

HINDI NA JINX

JOLENS

JOLINA MAGDANGAL

SHY

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with