^

PSN Showbiz

‘Hindi ko kayang iwan ang Dos’–Aiai

-

Nagtataka ang mga katotong miyembro ng Philippine Movie Press Club o PMPC kung bakit hindi isinama sa listahan ng mga no­mi­nado ang name ni Julius Babao para sa kate­goryang Male News anchor gayung sina  Ted Failon ay kasama for TV Patrol World at Henry Omaga Diaz for Bandila.

Humingi ng list ang PMPC sa News and Cur­rent Affairs Depart­ment ng mga name kung sino ang puwe­deng i-nominate para sa nasa­ bing kate­gorya at ang dalawang male news anchor lang ang isi­na­ma. Bakit hindi ba news anchor ang asawa ni Tintin Bersola-Ba­bao?

* * *

Ano ang gagawin ni Aiai delas Alas sa ASAP ’07?

Kaya namin naita­nong ito ay isa ito sa TV project ng komedyana dahil twice a month siyang mapa­panood sa nasabing variety show.

“Secret, abangan mo,” natawang sagot sa amin ni Ms. A nang ma­kasalubong namin sa Grams Diner ng ELJ Building nung Miyer­koles ng hapon.

At kung hindi baba­guhin ang plano ay guest din si Aiai sa The Buzz this Sunday para ikuwento kung paano siya napadpad ng GMA-7 para makipag-meeting kay Ms. Wilma Galvan­te two weeks ago at para iklaro na hindi siya pina-pirate ng nasabing lady executive.

At the same time ay para mag-public apolo­gy na rin sa ginawa niyang gulo sa pagitan nila ni Ms. Wilma.

“Masyado kasi akong na-excite nung alukin ako ng GMA kasi nga, walang offer sa akin ang ABS, so feeling ko, doon na ako, pero nung nakapag-isip-isip na ako, hindi pala ako ready na lumipat at hindi ako masaya sa desis­yon ko, nasa ABS pala ang puso ko, hindi ko kayang iwan ang Dos,” say niya.

* * *

Malaki ang dapat ipagpasalamat ni Luis Alandy sa Daven Pro­ductions na siyang pro­ducer ng indie film na Signos dahil ipinag­kati­wala sa kanya ang peli­kula at napansin na ma­ru­nong din palang umar­te ang aktor na hang­­gang ngayon ay hindi pa rin gaanong nabibigyan ng break.

Nakakuha ng Rated B sa Cinema Evalua­tion Board ang Signos at pa­wang magagaling ang mga kasama ni Luis tulad nina Ricky Davao at Irma Adlawan, at ‘yung batang si ‘Budoy’ dahil mahusay siyang umarte, huh?

Nagtataka lang kami dahil si Chx Alcala ang ibinebenta sa Signos, pero iilan lang ang ek­sena pero markado na­man, in fairness. –Reggee Bonoan

 

vuukle comment

AFFAIRS DEPART

AIAI

CHX ALCALA

CINEMA EVALUA

SHY

SIGNOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with