Ken Zhou ng F4, gagawa ng movie dito kasama si Jennylyn
Darating sa bansa sa September 28 si Ken Zhou ng F4 para gumawa ng pelikula sa Ignite Films ni Dave Hukom. May pamagat na Batanes: Sa Dulo ng Walang Hanggan ang movie na tungkol sa isang turistang na-in love sa Batanes.
Si Adolf Alix, Jr., ang director ng movie na director din ng Donsol at Kadin, pero hindi digital film ang Batanes na ire-release internationally. Hanggang mid-October dito si Ken at siguro naman, pwede siyang bisitahin ng kanyang fans sa Batanes.
Si Jennylyn Mercado ang nabalitang makaka-pareha ni Ken sa Batanes, pero ang sabi sa amin, may isa pang actress ng GMA-7 ang kakausapin para maging leading lady nito, pero dahil hindi pa nakakausap, ‘di pa namin pwedeng banggitin.
Palabas sa Ch. 7 ang re-run ng
* * *
Birthday wish ni Mother Lily na kumita ang My Kuya’s Wedding ng Regal Entertainment na showing sa August 29. Ipinang-imbita na rin nito ang premiere night ng movie sa Aug. 26 sa Cinema 6 ng SM Megamall.
Ayaw mang pag-usapan, natanong pa rin si Mother Lily sa kaso niya with Star Cinema at ibinalita nitong mag-uusap sila this Friday ni Malou Santos ng Star Cinema. “I hope our meeting will be okay,” wish nito.
Sa Sunday din, may tribute ang SOP para sa lady producer na hindi tumitigil sa paggawa ng pelikula. Dozens of Regal babies at iba pang big-name stars ang darating at magpi-perform at may mga babati kay Mother Lily. Birthday celebration ng producer at 44th anniversary ito ng Regal, kaya malaking okasyon.
Promo rin ‘yun ng My Kuya’s Wedding, pero si Pauleen Luna lang yata ang makakapag-promote dahil ABS-CBN talents sina Maja Salvador at Ryan Agoncillo.
* * *
Walang keber si Pauleen Luna kahit third choice siya sa role ng girlfriend ni Ryan Agoncillo sa My Kuya’s Wedding dahil unang in-offer kina Jolina Magdangal at Jennylyn Mercado ang role ni Haydee Gatchalian. Ang importante ay sa kanya napunta ang role at napasama siya sa magandang pelikula ng Regal sa direksyon ni Topel Lee.
Naloka nga si Pauleen dahil Gatchalian ang apelyido niya sa movie at ito ang apelyido ng boyfriend niyang si Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian. Fifteen years ang agwat ng kanilang edad, pero mas pabor ito sa kanilang relasyon.
- Latest