^

PSN Showbiz

Kasal, Kasali, Kasalo, gagawing TV sitcom ng ABS-CBN

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nagpasalamat kaha­pon si Papa Manny Villar sa entertainment press na sumuporta sa kanyang kandidatura noong nakaraang elek­syon.

Hinding-hindi maka­kalimutan ni Papa Man­ny ang kabutihang ipinakita sa kanya ng mga entertainment re­porter.

Nakita ko ang pagi­ging edukado ni Papa Manny. Hindi siya nag­ko­mento sa tanong ng isang reporter kung panay ang pagbatikos sa kanya sa radyo ni Mama Korina San­chez.

Wala sa bokabularyo ni Papa Manny ang ma­kipag-away. Mas pipiliin niyang manood ng sine ke­sa sagutin ang mga is­yu na ibi­ni­bintang sa kanya.

Hindi rin niya sinagot ang mga tsismis na ka­kan­didato siya bilang pa­ngulo ng Pilipinas sa 2010.

Makahulugan ang state­ment ni Papa Manny. Mahirap daw magsalita dahil ni hindi niya alam kung nakala­gay sa tambyolo ang kan­yang panga­lan. Pa­ano raw siya mana­nalo sa raffle kung wala sa tambylo ang pangalan niya? Oo nga naman!

Nakita ng mga re­porter ang kasiyahan sa mukha ni Papa Man­ny nang kumus­tahin ang kanyang ina, si Nanay Curing.

Ipinagmamalaki ni Papa Manny na ibinili niya ng bagong van si Nanay Curing. Ang ba­gong sasakyan ang gi­na­gamit ni Nanay Cu­ring sa pagdalaw nito sa  kanyang pamilya na na­katira lang sa Las Piñas area.

* * *

Naglagare kahapon ang mga reporter. Mula sa thank you lunch ni Papa Manny, go sila sa presscon cum birthday lunch ni Mother Lily Mon­teverde.

Isinabay ni Mother Lily ang presscon ng My Kuya’s Wedding sa birthday treat niya sa entertainment press.

Napa-cry si Mother nang pasalamatan nito ang mga reporter na pa­tuloy na sumusuporta sa lahat ng project ng Re­gal Films.

Ang saya-saya ni Mother kahapon at na­doble ang kaligayahan niya dahil maganda ang feedback sa My Kuya’s Wedding.

* * *

May plano pala ang ABS-CBN na gawing TV sitcom ang Kasal, Ka­­­sali, Kasalo.Why not?

Maganda ang che­mistry ng magdyowang Ryan Agon­cillo at Judy Ann San­tos kaya nga kumita sa takilya ang movie ver­sion ng Kasal, Kasali, Kasalo.

Tiyak na matutuwa ang fans nina Judy at Ryan dahil successful ang reel at real loveteam ng ka­nilang mga idolo.

Masuwerte si Ryan dahil magaganda ang projects na dumarating sa kanya. Hindi pina­ngarap ni Ryan na ma­ging artista kaya kahit siya eh nagugulat sa ma­gagandang nang­yayari sa kanyang show­­biz career.

Napatunayan na­man kasi ni Ryan na meron siyang acting talent. May identity na siya kaya hindi na boy­friend ni Judy Ann ang tawag sa kanya.

* * *

Luma na ang ku­wento pero interesting i-share sa dear readers ng PSN ang kagagahan ng isang aktres na na-insecure sa mas batang aktres na nakasama niya sa pelikula.

Nag-emote ang sikat na aktres nang mapa­nood nito ang pelikula nila ng mas batang ak­tres.

Bakit daw mas ma­galing ang akting ng mas batang aktres kesa sa kanya? At bakit daw mas magaganda ang eksena ng kanyang co-star?

Daay, nginatngat ng matinding insecurity ang aktres na hindi mo aa­kalain na magka­ka­roon ng ganoong paki­ram­dam dahil sobra-sobra ang achievement niya sa entertainment busi­ness.

Ang inasal ng aktres ay malinaw na ebi­densya ng kasamaan ng kanyang ugali. Ayaw niya na mahihigitan siya ng ibang tao kese­ho­dang matindi ang kan­yang attitude prob­lem kaya ayaw na siyang ku­nin ng ibang movie produ.

MY KUYA

NANAY CURING

NIYA

PAPA

PAPA MANNY

RYAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with