^

PSN Showbiz

Bianca, excited na sa bagong lovelife

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Walang problema kay Bianca Gonzales sakaling magkaroon sila ng encounter ni KC Concepcion sa ABS-CBN, ang ‘current’ love ng ex boyfriend niyang si Lino Cayetano. In fact, okey din sa kanya kung magi-guest ito sa kanilang showbiz orient­ed talk show na Enter­tainment Live. Hindi na raw issue sa kanya ang tungkol kay Lino, ang feeling lang daw niya ay walang ibang pinag-uusapan sa kanya kaya madalas pa rin itanong sa kanya si Direk Lino.

“I can’t say sawa, pero parang I can’t believe na yun pa rin ang pinag-uusapan sa atin. Sobrang boring kasi ng buhay ko,” she said sa re-launching ng Y Speak (Studio 23) na ngayon ay nasa ika-apat na taon na nagbibigay-boses sa mga kabataan.

Wala rin kasi siyang bagong lovelife at open naman siya kung sino man ang darating.

“Excited na ako sa bagong lovelife. Siguro pini-prepare na ni God ang isang special per­son for me.”

Pero wala pa naman daw siyang pinagpipilian dahil wala namang nan­liligaw sa kanya sa kasa­lukuyan.

Kung meron naman daw kasi, willing siyang ikuwento ito dahil alam niyang nasa showbiz siya at willing siyang ipakalkal ito lalo pa nga’t host na rin siya ng isang showbiz talk show.

Before the year ends, madadagdagan ang show niya dahil papasok na ang ba­gong season ng Pinoy Big Brother.

* * *

Isa sa pinakama­lakas na programa ng GMA 7 sa Davao ang Testigo, hosted by Tek Ocampo na corres­pondent ng GMA 7 for several years pero two years ago, nagdesis­yon siyang bumalik sa Davao para maging anchor ng Testigo.

Galing sa pamilya ng mga pulitiko si Tek, kaya naman during the elec­tions ay ma­rami sa kan­yang nag-con­vince na tumak­bong vice gov­ernor. Pero hindi siya pina­ya­gan ng GMA 7.

Hindi naman nang­hi­­hi­na­yang ang TV host dahil maganda ang rating ng kanyang pro­grama.

Napapanood ang Testigo daily 5:30 to 6:30 p.m. sa Davao.

Admitted naman ang GMA head Re­gional TV, AVP Ex­pan­sion News and Current Affairs na si Ms. Rikki Escudero na hindi pa sila nag-no. 1 sa Davao pero tinatrabaho raw nila. Like ang Tes­tigo, since nakita nilang malakas ito, dinag­dagan nila ito ng oras.

* * *

Anyway, sa ginanap na Kapuso Day sa Davao, isa sa pinaka­patok ang job fair. So­brang dami raw ng nag-apply at marami ang instant na na-hire.

Nagkaroon din ng libreng gupit, libreng kodakan, NSO/DFA in­formation and process­ing at marami pang iba kasama na ang marami nilang artista na du­magsa sa Davao last weekend.

Kasama sa dumayo sina Dennis Trillo, Nadine Samonte, Iwa Moto, Keempee de Leon, Ehra Madrigal, Pauleen Luna, Marky Cielo, Lani Mercado, Sherilyn Reyes and Manilyn Reynes.

Nang kumanta si Den­nis, sigawan na talaga ang tao sa NCCC Mall.

Pero mas grabe ta­laga ang tilian kina Dingdong and Marian Rivera nang magsa­yaw ng Marimar.

BIANCA GONZALES

DAVAO

DENNIS TRILLO

DINGDONG AND MARIAN RIVERA

PERO

SHY

TESTIGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with