^

PSN Showbiz

Dapat turuan ng leksyon

SHOWBIZ MISMO! - Cristy Fermin -

May tulay kami tungo sa Mandaluyong Police Station, may mga kaibi­gan kaming nagtatra­ba­ho dun, mga taong na­ka­saksi kung paano bi­nastos ni Paul Al­va­rez ang dating Pinoy Big Brother house­mates na si Gretchen Malalad na ngayon ay news re­porter na ng News And Current Af­fairs division ng ABS-CBN.

“Maangas na si Bong Alvarez kahit hindi pa nangyayari ang salpu­kan nila ni Gretchen, mura na siya nang mura, kung sinu-sino ang pi­nag­tatawagan niya sa telepono.

“May tinatawagan pa siyang ka-brod niya sa fraternity, nagpapasalo siya sa pinasukan ni­yang gulo, mura siya nang mura, bastos ang bibig niya!” simulang impormasyon ng aming kaibigang nagtatrabaho sa Mandaluyong Police Station.

Hanggang sa maga­nap na nga ang komos­yon sa pagitan nila ng blackbelter na si Gret­chen, nung kuku­nan na ng pahayag ng dalaga ang taxi driver na binug­bog ni Bong, humarang ang basketbolista sa pintuan ng detachment.

Kitang-kita sa foot­age kung paano niya siniko si Gretchen, na­panood din namin ang footage kung saan siya ginantihan ng sapak ng dalaga, hanggang sa parang babae na niyang sinabunutan at pinag­kakalmot si Gretchen.

Napakabastos na lalaki! Kung kapwa niya lalaki rin ang kanyang na­kaengkwentro ay ma­uunawaan pa ng publiko ang bastos na basket­bolistang ito, pero hindi, isang babae ang kan­yang sinaktan.

“Mayabang siya, nung umpisa pa lang, sumisigaw na talaga siya! Pinagbantaan niya ang crew na kapag ki­nu­nan siya, eh babasa­gin niya ang camera at bubugbugin daw niya ang camera­man!

“Inirereklamo rin niya ang isang police officer dun  na ka-fraternity daw niya, pero muk­hang hin­di man lang siya ipinag­tatanggol!

“Eh, paano mo na­man ipagtatanggol ang ganun kabastos na lalaki? Nanakit na siya ng babae, namba­bastos pa siya ng pulis, ganun siya kayabang nun!” kwento pa rin ng aming source.

* * *

Ikinulong si Bong Alvarez, nagpalak­pa­kan ang mga kakosa niya nung ipasok siya sa selda, pero hanggang dun ay uman­dar pa rin ang kan­yang kaanga­san.

Sabi ng aming source, “Pati yung mga nakaku­long, pinagya­bangan niya, hinamon niya ng suntukan yung mga preso! Alam mo, tinapik siya nung isang police officer, ang sabi sa kanya, ‘Pare, huwag mo dito pairalin ang ta­pang mo, walang sina­santo ang mga yan, baka makita mo ang ayaw mong makita ka­pag inupakan ka ng mga hinahamon mo!’

“Medyo kumalma si­ya nun, pero sige pa rin siya sa kasasalita, kesyo meron daw si­yang ka­usap na mayor na pu­pun­ta run para siya ilabas,” kwento pa rin ng aming impor­mante.

Hindi lang ngayon nasangkot sa ganitong klase ng kaguluhan si Bong Alvarez, laman siya ng mga gulo kahit sa mga bar na pinu­pun­tahan niya, hindi maru­nong magdala ng kala­singan ang lalaking ito.

Iinom siya nang hang­­gang mag-uumaga na, pero ang alak na­man ay hindi niya inilala­gay sa tiyan, kundi sa ulo niya. Kahit sinong mapagtripan niya ay uupakan niya, meron lang siyang mapansing kahit ano ay sisinghalan na niya, isang araw ay hindi lang ganito katin­ding gulo ang papagit­naan ni Bong Alvarez.

Idinemanda na siya ng taxi driver, sinampa­han rin siya ng kaso ni Gretchen Malalad, nag­sampa rin ng asunto la­ban sa kanya ang mga pulis-Mandaluyong na binastos niya.

Nararapat lang tu­ru­an ng leksyon ang mga tulad ni Bong Alvarez na ang ilusyon ay kanya na ang mundo dahil sa kanyang ka­angasan.

Kailangan na siyang makapulot ng aral ng bu­hay dahil sa nangyari sa kanila ni Gretchen, babae rin ang kanyang asawang si Almira Muh­lach, gusto ba ni­yang may sumiko-ma­napak din sa kanyang misis?

Kung hindi kabastu­san ang maitatawag sa kanyang ipinakita ay hindi na namin alam kung ano.

BONG ALVAREZ

GRETCHEN

NIYA

RIN

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with