^

PSN Showbiz

Anak ni Gretchen tanggap ang kalokohan niya!

SHOWBIZ MISMO! - Cristy Fermin -

Ang itsura ni Gret­chen Barretto ang kla­seng hindi nakasandal sa make-up. Kung tutu­usin ay mas maganda pa nga siya kapag wa­lang anumang pekeng pampaganda, mas lu­malabas ang tunay niyang kagandahan, tulad na lang nung in­terbyuhin siya ng ka­ibigang Boy Abunda sa The Buzz nung Linggo nang hapon.

Sariwang-sariwa ang ganda ni Gretchen, parang kalalabas lang niya sa banyo, parang nagpagpag lang siya ng tumutulo niyang buhok, pagkatapos ay naupo na para sa naturang pana­ yam.

Kaliwa’t kanang pa­­puri ang tinanggap na­min tungkol kay Gret­chen pagkatapos ng interbyu, napakaganda naman kasi talaga ng aktres, makinis ang kan­yang kutis at wala tala­gang mali sa kanyang mukha.

Yun ang unang ma­ha­bang interbyu kay Gretchen pagkatapos ng “kiss scandal” nila ni John Estrada, official statement lang ang ipi­nadala nun ng aktres tungkol sa kontrobersya, hindi siya nagsalita tung­kol dun.

Ngayon ay nakakaya na niyang tawanan ang pangyayari, tama ang kanyang sinabi na pagi­ging tapat lang sa pub­liko ang susi sa kapa­tawaran, gaano man ka­laki ang nagawang pag­kuku­lang ng artista ay nau­unawaan pa rin yun ng publiko basta umamin lang ang artista.

Nakakaaliw na na­kakabaliw ang mga kwento ni Gretchen tungkol kay Dominique, ang nag-iisa nilang anak ni Tony Boy Cojuang­co, nung sabihin daw niya sa kanyang anak na pasensiya na ito sa pag­kakasangkot ng kan­yang pangalan sa “kiss scandal” sa kanyang mga kalokohan at pag­kakamali.

Ganun na lang ang pasa­salamat ni Gret­chen sa unconditional love na­ ibinibigay sa kanya ni Tony Boy, yun ang ta­mang terminong dapat gamitin sa uri ng pag­mamahal nito sa kanya, wala nang iba pang salitang maaaring lu­mapat sa klase ng pag­mamahal na ibinibigay sa kanya ng negosyante.

Hindi lang minsan-makalawang nakalad­kad ang pangalan ni Gretchen sa mga pang­yayaring maaari nang isumbat ng pamilya ni Tony dito, pero hang­gang ngayon ay nandi­yan pa rin ang bus­inessman, nagmamahal pa rin sa kanya.

Matagumpay ang ginawang operasyon kay Tony Boy, masa­yang-masaya si Gret­chen sa kundisyon ng kalusugan ngayon ng ama ng kan­yang anak, nakahinga na raw siya nang malu­wag ngayon.

* * *

Nagpakatoto rin si Vina Morales sa pagsa­sabing nasa proseso na ng annulment ang kasal ng kanyang boyfriend sa misis nito, aminado ang singer-actress na hindi pa napapawalang-bisa ang kasal ni Cedric Lee, kaya naghihintay siya sa takdang panahon kung kailan niya maipagma­malaki ang kanilang pagmamahalan.

Nagparaya si Vina dahil mahal niya si Ced­ric, kailangan niyang gawin yun, kesa naman sa mawala sila sa isa’t isa. Pero hindi ganun ka­dali para sa kanya ang lahat, palagi siyang umi­iyak, hindi nga naman magagamot ng mga pa­lakpak ng publiko sa ma­galing niyang perform­ance ang nararamda­man niyang sakit ngayon dahil sa sitwasyon nila ng negosyante.

“Kung hindi ko man po makayang ipagtang­gol ang sarili ko ngayon in time, malilinawan din ng marami ang situation. Ibang tao na lang po ang magsasabi ng kato­tohanan,” sabi ni Vina.

Mahal na mahal siya ni Cedric, ilang beses na silang naghiwalay at nagpangakuang magi­ging magkaibigan na lang, pero halos sabay silang bumabalik sa isa’t isa.

Pero may mga emos­yong isinusuko kung kinakailangan, hindi pa annulled ang kasal ni Cedric sa misis nito, kaya sa mata ng Diyos at ng tao ay mananatili siyang pangalawang babae lang sa buhay ng businessman.

Pero sabi ni Vina ay handa naman siyang maghintay kung hang­gang kailan siya maka­paghihintay sa takdang panahon ay hindi rin niya alam, basta ang alam niya ngayon ay nag­mamahalan sila ni Ce­dric Lee.

GRETCHEN

LANG

PERO

SHY

SIYA

TONY BOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with