^

PSN Showbiz

TV network, ‘baboy’ ang pinapakain sa mga artista/staff

ISYU AT BANAT - Ed de Leon -

Si Senador Bong Revilla ay hindi la­mang isang boxoffice star noong panahong mas aktibo siya bilang isang aktor. Aktor siya talaga. Kinikilala siya ng mga kritiko. Nana­nalo siya ng mga awards. Kahit na nga­yong isa na siyang senador, mas marami pa rin ang kumikilala sa kanya bilang isang aktor.

Noong gumawa siya ng isang tv show, ma­rami nga ang nag­sabi na baka naman ma­apek­tuhan ang kan­yang movie career. Alam na­man natin kasi na basta ang isang artista ay naba­bad na sa tv, nahi­hira­pan na sa pelikula. Pero may punto naman si Sena­dor Bong, kasi ang ginagawa niya sa tv ay comedy, action na­man siya sa pelikula.

Ok naman ang tv show ni Bong noon, pero later on kasi mas­yado raw iyong magas­tos, kailangan nilang palitan ang show ng isa na comedy din pero mas maliit ang cast. Ang malungkot lang, hindi rin naging kasing lakas noong nauna niyang show. Ka­ila­ngan nilang magpalit ng format, gi­nawa nila iyong parang isang game show, pero hindi iyon ang hinaha­nap ng mga tao eh. Gusto nilang makitang umaarte si Bong ta­laga.

Ngayon iyong bago niyang show, lalo nang wala kang makikitang acting niya. Host na lang siya sa mga docu­men­taries na puro fo­reign naman. Mas ma­baba kasi ang cost noon. Mas murang na­bibili iyang mga can­ned materials na tina­tawag. Tapos ipinapa-host nga sa mga Pinoy. Kagaya rin iyan noong isang show ni Michael V.

Pero kung kami ang tatanungin, mas ma­ganda pa nga sigurong hindi na muna gumawa ng tv show si Bong. Maraming mga ba­gay na dapat bigyan ng consideration.

Una senador na siya. Hindi naman ma­sasa­bing hanggang doon na lang ang am­bisyon niya. Palagay namin, dapat sana ma­lagay siya sa isang show na mas maka­buluhan naman kaysa sa pagho-host sa mga canned documen­taries lamang.

*  *  *

Talagang tuluy-tuloy ang  mga  perform­ances ni Bamboo. Wala siyang tigil sa mga shows sa probin­siya, pero sa August 30, babalik siya sa isang naiibang concert sa Aryan Theater, iyong Bamboo Live.

Matindi ang concert na gagawin ni Bam­boo, na ang producer ay si Mon Doratan na naka­pag-produce na nang ilang concerts ni Bam­boo. Sa pagkaka­taong ito, makakasama pa niya ang isang producer, si Boying Lasala, na sanay na rin sa mga concert prod­uctions.

Nagtulong ang da­lawang producers para matiyak na maiiba na­man ang Bamboo Live kaysa sa mga concerts na nauna nang ginawa ng singer.

Magmadali kayong bumili ng tickets dahil limited lang ang au­dience niyan. Mabibili na ang mga tickets sa Aryan Theater at sa Made4U, o tumawag sa 9134776 at 912­6339.

*  *  *

Maraming artista na ang nagrereklamo da­hil sa substandard na pag­kain daw kung may taping sila sa isang network. Kadalasan daw ang mga artista ay nagpapabili na lang ng pagkain nila. Kung min­san daw ang ulam ay ba­boy, “baboy ang pag­kakaluto.” Kung minsan naman ay baka, “baka sakaling makain.”

Nagtataka sila bakit naman daw ganoon. Pagod at puyat na nga ang mga tao, iyong ipinakakain naman ay hindi halos makain ng matino. Bakit nga ba ganoon ang treat­ment ng tv network na iyan sa mga artista?

vuukle comment

ARYAN THEATER

ISANG

NAMAN

SHOW

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with