Barbie Almalbis, representative ng ‘Pinas sa song festival sa Korea
Nabasa namin sa Internet na si Barbie Almalbis ang representative ng ‘Pinas sa gaganaping 2007 Asia Song Festival sa Seoul, Korea sa September 22. Fourteen singers/groups from nine Asian countries ang magsasama-sama sa fourth year ng ASF.
Makakasama ni Barbie ang F4 at si A-Mei ng Taiwan, Zhao Wei ng China, Gigi Leung ng Hongkong, Golf & Mike ng Thailand, Peter Pan ng Indonesia, Li Xiao Li, SG Wanabe at Super Junior ng Korea. Pinipili pa ang representative ng
Nasa kondisyon na uli si Barbie after isilang si Noa Stina, ang baby girl nila ni Martin Honasan, kaya lalaban ito nang pangalingan sa performance sa mga nabanggit. Kaya lang, bakit isa lang ang representative ng ‘Pinas, gayong marami tayong magagaling na singers at bakit dalawa ang ipapadala ng
* * *
Sikat ang Neozep TVC ni Frank Garcia, pero ang manager niyang si Manny Valera ang nakapagbigay sa kanya ng commercial movie. Kasama siya sa cast ng My Kuya’s Wedding as the ex-boyfriend of Pauleen Luna at kahit maiksi ang role, masaya ang binatang makapasok sa Regal. With his manager’s help, tiyak na masusundan ang paggawa niya ng pelikula.
Member din siya ng Boyz.Com at ipinagmalaking handa na sila nina Alwyn Uytingco, Gabb Drilon, Joseph Bitangcol, at Polo Ravales para mag-concert. Nahahasa sila sa almost everyday rehearsal sa tulong ng voice coach nilang si Tony Carpio at dance instructor nilang si Spike Bermudez at malaking tulong ang eagerness ng grupo na mag-perform.
Pang-Wish Ko Lang o Nagmamahal Kapamilya pala ang buhay ni Frank dahil gustong makita ang amang si Franco Groenenboom na never pa niyang nakita. One year old palang siya nang maghiwalay ito ng kanyang ina dahil babaero at bumalik sa Amsterdam. Sa webcam lang niya ito nakikita ‘pag nagtsa-chat sila at kamukha raw ni Tom Selleck.
* * *
“Reyna ng Indie” ang tawag kay Irma Adlawan dahil karamihan sa indie film ay kasama siya sa cast. Isa na rito ang Signos ng Daven Productions, directed by Aloy Adlawan and showing sa August 22. Nahihiya ang magaling na actress sa ibinigay sa title sa kanya dahil may ibang aktres na mas maraming nagawang ganung pelikula kesa sa kanya.
Kasama niya sa pelikula si Ricky Davao na in-demand din sa indie films at huli niyang nakatrabaho sa Mga Pusang Gala. Welcome lagi kay Irma na makasama ang actor dahil sanay na siya rito at dahil parehong magaling, mabilis nakukunan ang kanilang mga eksena.
Ang maganda pa kay Irma, walang pakialam sa billing at okey sa kanya kung mas nauna pa sa billing ng horror movie ang lesser actors than her. Sabagay, sa acting naman nakikita ang galing ng isang artista at hindi sa ganda ng billing.
* * *
May fans pala ang asong si Nigel, gumaganap na Fulgoso sa Marimar at siya ang inaabangang mapanood sa telenovela ng GMA-7. Ikinatutuwa rin ng fans ng aso na boses ni Michael V ang ginagamit nito dahil fave rin nila ang comedian.
Hinihintay nila ang smiling and crying face ni Fulgoso na binanggit ni Direk Joyce Bernal dahil hindi pa nila ito nakikita at inaabangan din ang pagkikita nila ni Fifi na boses naman ni Rufa Mae Quinto ang gagamitin.
Bawal sabihin ang talent fee ni Fulgoso at ang clue lang ay, talo nito ang tf ng mga newbies.
Nagre-report ito sa taping sa sariling aircon van at may kasamang yaya at trainer. Special din ang pagkain nito at ‘pag napagod, bawal kagalitan at kailangang hintaying muling sipagin.
- Latest