^

PSN Showbiz

Billy, magpo-promote ng concert sa Dos?

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Mabuti naman at may title na ang October 6 concert ni Billy Craw­ford sa Araneta Coli­seum para ‘di na blang­ko ang write-up tungkol dito. Ang Fil-Am per­form­er mismo ang nag­sabi sa aming It’s Time ang napili nilang title na bagay sa con­cept dahil first time niyang magko-concert sa ‘Pinas.

Nasa bansa na rin ang director ng concert na si Bambi Cruz, pero French daw ito at nasa hitsura naman kahit Pinoy ang tunog ng name nito. Kasama siya ni Billy nang makita namin sa GMA Net­work minsan, pero sa presscon na siguro namin mai-interwiew.

Natawa si Billy sa tsikang magpo-promote siya ng kanyang concert sa ASAP na malaking isyu kung totoo dahil regular siya ngayon sa SOP at sa Move ng GMA-7 hinanap ang six Pinoy back-up dancers niya.

Sabi naman ni Ger­man Moreno, mala­bong mangyaring mag-promote ng concert sa show ng ABS-CBN si Billy dahil ang Ch. 7 ang media partner sa con­cert ng singer. Anyway, more than six weeks na lang bago ang It’s Time at kailangang sipagan na ang pagpo-promote nito para malaman ng mas marami.

* * *

Dumating noong Friday, August 17 si Iza Calzado para tapusin ang mga natitira niyang eksena sa Impostora. Hanggang Aug. 22 lang dito ang actress at kailangang bumalik agad sa Toronto, Ca­nada para sa shooting ng The Echo. Kung pa­god si Sunshine Dizon sa matitinding eksena sa tele-drama ng GMA-7, pagod naman si Iza sa kata-travel for her Hollywood dream.

Anim na araw lang dito si Iza, kaya ‘di ma­kasingit mag-shooting ng Desperadas . Na­ngako ito kina Mother Lily at direk Joel La­mangan na sa kanyang pagbabalik, lahat ng schedule niya ay para sa entry ng Regal sa Metro Manila Film Festival. Kailangan kasing matapos ang movie sa November 10 para ready for showing sa December.

vuukle comment

ANG FIL-AM

ARANETA COLI

BAMBI CRUZ

BILLY CRAW

HANGGANG AUG

IZA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with