^

PSN Showbiz

KJWAN, IKON awardee

- Veronica R. Samio -

Isang  bagong  ban­da na maituturing ang KJWAN kumpara sa maraming banda na naglipanan sa atin industriya ng mu­sika. Pinag-usapan la­mang ito nang bigla ay gu­mawa ito ng ingay nang manalo kama­kailan bilang Best Group Artist sa kata­tapos na IKON ASEAN grand finals na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia na nilahukan ng 30 solo and group artists  mula sa ma­raming ban­sa sa Asya.

Nag-uwi ang KJWAN ng $25,000 bilang premyo.

Pilipino rin ang na­nalong Best Solo Artist, si Vina Morales, na nanalo rin ng kapa­rehong halaga.

Ang IKON ASEAN ay naglalayong mapag­lapit ang mga ASEAN artists under one roof at mai-share nila sa isa’t isa ang kanilang mga ta­lento  at ipagdiwang ang Asian entertainment.

Dalawang matitinik na banda rin mula sa Malaysia (OAG) at Indonesia (Tahta) ang ma­higpit na nakalaban ng grupo sa grand finals.

May tigalawang kan­ta ang 3 banda na nag­la­ban, ang piyesa ng KJWAN ay ang  “Invitation” at “One Look”,  mga orihinal na kom­posisyon ng grupo at kasama rin sa kanilang sophomore album na “2 Step Marv”.

Mahigit dalawang taon lamang ang KJWAN na ang panga­lan ay ga­ling sa drummer ng grupo na si J-Hoon Balbuena. Umu­wi ito rito mula Hong­kong para mag-aral sa Ateneo. Akala nito nung una ay isang mathema­tical term yung “kwan” na nang napagpas­yahan nilang gawing pangalan ng grupo ay dinagdagan nila ng J bilang tribute sa nag-isip ng  pangalan  at  para cinematic na rin ang pangalan ng banda. 

Dating magkakais­kwela sa Ateneo ang mga myembro ng grupo (Marc Abaya (vocals), Kelley Mangahas (bass), Jorel Corpus (guitar)  at Boogie Ro­mero (guitar). Pero,  nung maga-graduate lamang sila ng college nabuo ang banda.

Bago sa IKON, na­big­yan na rin sila ng nomi­nas­yon sa NU 107’s Rock Awards, MTV Pilipinas Video Music Awards 2005. Isang bu­wan silang  featured artist sa  MTV Phils.

Kung gusto n’yo pang makilala ang KJWAN, at mga myem­bro at ang mga gigs nila, bu­mi­sita sa ka­nilang web­site sa http:llKJWAN.NET o ka­ya’y sa [email protected].

*  *  *

[email protected]

ATENEO

BEST GROUP ARTIST

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with