Wendy, pwedeng bayaran ng P5M!
Kung si Wendy Valdez ay willing sumama sa DOM sa halagang limang milyong piso for a night sa tindi ng pangangailangan ay taboo naman kay Bruce Quebral ang ganung ideya.
Hindi itinanggi ni Bruce na may mga nagpaparamdam sa kanya
“Aminado po ako na kapos kami, lalo’t parating nasa ospital ang mama ko dahil sa sakit niya, pero hindi po ako darating sa puntong papatol para sa pera.
“May mga kamag-anak naman po kami sa ibang bansa at sila ang tumutulong sa mama ko, pero siyempre, nakakahiya rin po kaya hangga’t kaya naming magkakapatid ay kami-kami na lang ang gumagawa ng paraan,” esplikang mabuti ng isa sa leading man ni Wendy sa teleseryeng Margarita.
Nakapag-aral si Bruce sa magagandang iskwelahan tulad ng La Salle nung high school at nagtapos ng kolehiyo sa University of the Philippines dahil scholar siya parati tulad ng elder sister niya.
At sa panuntunan ni Wendy na halimbawang bayaran nga siya ng limang milyong piso for a night ay, “E, siguro po, hindi ko siya masisisi, kasi nga hirap din siya, e, wala rin naman akong maibigay sa kanya, siguro prayers lang po ang puwede kong ibigay sa kanya.
“Pero siyempre, ayoko
Samantala, sinabi ni Bruce na ang pag-stay niya, bayad daw siya at walang utang sa kanya ang PBB2.
* * *
Nalaglag na si Saicy Aguila sa U Can Dance competition at aminado ang ex-PBB2 housemate na nagkamali sila ng partner niya that night na na-eliminate sila.
“If I were also a judge, tatanggalin ko rin ang sarili ko kasi hindi ko deserving na matira, mas mahusay ‘yung mga naiwan,” pag-amin ng smiling face na si Saicy.
At maski na nalaglag si Saicy ay hindi naman siya nawawalan ng TV project dahil ka-join pala siya sa Lastikman ni Vhong Navarro bilang kontrabida at ipalalabas na next month right after ng Walang Kapalit.
Kaya walang inggit si Saicy kay Wendy Valdez na binigyan ng sariling teleseryeng Margarita. – REGGEE BONOAN
- Latest