^

PSN Showbiz

‘Walang Tulugan’, mas pinanonood sa abroad kaysa mga serye ni Angel

ISYU AT BANAT - Ed De Leon -

Matapos ang halos kalahating taon ng ka­nilang pagkaka­hiwa­lay, nagkita na rin at na­ka­usap ng personal sina Ruffa Gutierrez at ang kanyang asawang si Yilmaz Bektas. Ma­kikita mo naman ang kasiyahan ni Yilmaz ha­bang naglalarong ka­sama ang dalawa nilang anak. Sinabi rin niya nang tuwiran na uma­asa siyang magkaka­sundo silang muli ni Ruffa at mabubuo ang kanilang pamilya.

‘Yang pagtungo rito sa Pilipinas ni Yilmaz ay pagpapakita ng kan­yang pagpapakum­ba­ba. ‘Yon ding ­pa­ngako niya na ititira niya ang kanyang pamilya sa bagong bahay nila sa Spain kung talagang ayaw nang magbalik ni Ruffa sa Istanbul ay nagpapakita lamang na gusto talaga niyang mabuong muli ang ka­nilang pamilya.

Tama naman ‘yong sinabi ni Ruffa na kaya niyang bigyan ng ma­gandang kinabukasan ang kanyang mga anak, pero hindi naman niya maikakaila na si Yilmaz ang ama ng kanyang mga anak. Hindi rin naman niya maikakaila na mas magandang kabuhayan ang ma­aaring asahan ng kan­yang mga anak kung kasama nila si Yilmaz. Kaya nga siguro sa panahong ito ay kai­langang isipin naman ni Ruffa ang kinabu­kasan ng kanilang mga anak. Tutal nagpapa­kumbaba na si Yilmaz.

Sana naman huwag nang intrigahin pa ‘yang muling pagsasama nina Ruffa at Yilmaz kung sakali. Hindi ba mas na­kakatuwa naman iyong mabalitaan nating may mga taong nagkaka­sundo at mga pamilyang nabubuo kaysa sa mga nag-aawayan at naghi­hiwalay?

Aywan lang pero kung kami ang tata­nungin, mas maganda nga kung magkaka­sundo silang muli.

* * *

Iyong programang Walang Tulugan ni Kuya Germs ay tatlong beses inire-replay sa pamamagitan ng cable sa abroad. Kasi nga, yon ang hinahanap ta­laga ng mga sub­scrib­ers ng Pinoy TV. Hindi nila maikakaila na ang show ni Kuya Germs ang pinaka-sikat doon. Mas pinanonood iyon ng mga Pinoy sa abroad kaysa sa mga seryeng ginawa ni Angel Loc­sin.

Pero may nagsasabi nga, bakit sa halip na mag-replay sila ay hindi nila gawing tatlo ang shows ni Kuya Germs? Hindi ba noong araw ay may balak na gawin na lang daily show yong Walang Tulugan, iiklian na lang ang oras? Ha­limbawa isang oras na lang pero araw-araw naman. Kung gagawin nila iyon, palagay namin mas marami silang makukuhang subscriber para sa Pinoy TV.

Mas mapapanood doon ang iba nilang shows, at hindi na ma­gugulat ang iba nilang artista kagaya ni Angel Locsin na hindi pala siya kilala sa abroad bilang artista hanggang nga­yon.

* * *

Isang linggo nang sira ang PLDT line namin, at wala silang ginagawa para ma-repair iyon sa kabila ng aming reklamo. Hindi namin masisisi ang mga repairman. Isang repair­man lang pala ang naka-assign sa mahigit na dalawang libong sub­scribers. Papaano nga niya magagawa lahat ng sirang linya? Ginagawa raw yon ng PLDT para makatipid at para lumaki pa ang kanilang tubo. Kawawa naman ang kagaya naming sub­scriber ng PLDT, sira ang telepono pero kum­pleto ang singil.

KUYA GERMS

RUFFA

SHY

YILMAZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with