^

PSN Showbiz

Pacquiao, pamorningan sa bilyaran!

SHOWBIZ MISMO! - Cristy Fermin -

Kaliwa’t kanang kwento sa kinahuhu­malingang bisyo di­umano ngayon ni Manny Pacquiao ang nakararating sa amin. Hindi basta tsismis lang yun, may mala­sakit ang kwento, para rin kay Pacman ang kanilang hangarin.

Madalas daw na nakikita ngayon ng ating  kababayan si Manny na nagbibilyar sa iba’t ibang lugar, magdamag daw na hataw nang hataw ng tako ng bilyar ang kampeong boksingero, nag-aalala ang ating mga kababayan na baka dahil sa sobrang pagpupuyat ni Manny ay wala siyang itagal sa nalalapit nilang pag­sasalpukan ni Marco Antonio Barrera sa Las Vegas sa October 6.

Dalawang bagay ang inaalala ng mga nagmamalasakit kay Manny, baka humina ang kanyang kamao sa pagsuntok, o kaya’y ang hindi niya maka­yanan ang mga pama­tay na suntok ng kala­ban niyang Mexicano.

Isang kababayan pa natin ang nag-text sa amin sa 2366 sa DZMM, baka pwede namang iupo si Manny para sa isang masu­sing pag-uusap, baka raw sakaling makinig sa amin ang People’s Champion.

Lagi kaming bukas sa mga ganung pag­puna, kahit si Pacman ay hindi dapat naga­galit sa mga ganung kritisismo, dahil kung lalaliman niya ang pagtanggap sa mga kwentong ganun ay ang pagmamahal at mala­sakit lang sa kanya ng publiko ang lumulutang sa istorya ng pagpuna sa kanya.

Nag-aalala lang naman ang ating mga kababayan na baka sa mga ginagawa niyang pang-aabuso sa kan­yang resistensya ay matalo siya, disiplina lang ang gustong ipa­kilala ng ating mga kababayan kay Pac­man at wala kaming nakikitang masama dun.

Kung totoo ngang magdamagan siya kung maglaro ng bilyar ay iwasan na sana yun ni Manny, ipunin na niya ang kanyang lakas ngayon pa lang, para marami siyang reserba sa pagtutuos nila ni Marco Antonio Barrera.

* * *

Isa pang isyung nag­­sisimula nang umi­nit tungkol kay Manny ay ang pag-uugnay ng kanyang pangalan kay Ara Mina, ang ka­tambal niya sa peli­kulang ilalahok nila sa Metro Manila Film Festival sa Disyem­bre, ang Anak Ng Ku­mander.

Mas gusto naming paniwalaan na bahagi lamang ito ng promos­yon ng kanilang peli­kula, pero kinokontra kami ng mga taong may malalim na nala­laman tungkol sa mga nagaganap nga­yon, totoo raw ang relas­yong Pacman-Ara Mina.

“Kapag natalo si Manny, isa si Ara sa mga dapat sisihin, dahil pinupuyat niya si Manny. Palagi niyang tine-text si Manny para magpunta sa kanya, sugod naman agad yung isa!” sabi pa ng aming impormante.

Pwedeng totoo yun at pwede rin na­mang hindi, pero malaki ang porsi­yen­tong totoo ang umiikot na istorya. Yun ay kung kilala nga namin ang mga taong sangkot sa kwento.

Pero syem­pre’y pa­niguradong ide­denay nina Man­ny at Ara ang mga ku­maka­lat na ba­lita nga­yon, pa­lala­ba­sin ni­lang mag­ka­tam­bal lang sila sa pe­likula nga­yon, kahit pa ayon sa ating mga impor­mante ay to­too na­mang may ugna­yan na sila ngayon.

Korek!

* * *

Gustong magpali­wanag ni Katrina Halili tungkol sa pinalutang niyang kwento na tinext siya ng 6Cy­cle­mind para yayain siya para sa isang one-night-stand.

Isinusuka namin ang palutang ni Ka­trina dahil kilala namin ang grupo, hindi ganun kabastos ang mga miyembro ng banda para yayain siya sa isang aktong itinu­turing na sagrado, hindi tamang bula­bugin niya ang mga taong nana­nahimik at nag­ma­mahal lang na­man sa kanilang mu­sika.

Galit ang mga taga­hanga ng 6Cyclemind kay Katrina, nagtataka naman ang grupo kung bakit sila iginawa ng ganung isyu ng dalaga, samantalang kahit maghamunan sila ay wala namang maipa­pakitang ga­ nung men­sahe ang babaeng laging na­nunulis ang nguso sa kapo-project.

Kailangan lang ta­lagang linisin ni Katrina ang imahe ng mga miyembro ng 6Cycle­mind na ang tanging hangad lang naman ay ang makapagbigay ng kaligayahan sa ating mga kababayan sa pa­mamagitan ng ma­ganda nilang musika.

Sabi ng isa naming nakausap, “Mahilig talaga si Katrina sa mga banda, baka na­man type niya ang isa sa 6Cyclemind, pero hindi siya pinapansin, kaya sinadya niyang magpapansin!” sabi nito.

Pero mali pa ring pagpapapansin ang ginawa ni Katrina, hindi yun nakaganda sa kan­ya, lalo na sa banda.

LANG

MANNY

MARCO ANTONIO BARRERA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with