Aiai, di tuloy sa Kapuso Network
Umalis kahapon, Lunes ang Comedy Concert Queen na si Ms. Aiai delas Alas for Ireland kasama si Erik Santos for a series of shows at pagbalik niya sa August 21 ay magsasalita na siya kung ano ang buong katotohanan sa nasulat na pumirma na siya ng kontrata sa GMA-7.
Base sa nalaman namin ay inalok pala ang komedyana ni Ms. Wilma Galvante ng lumipat na lang sa Kapuso network since wala na naman siyang kontrata sa ABS-CBN.
Pumayag naman daw si Ms. A sa nasabing alok, pero hindi pa siya nagbigay ng final decision dahil mag-iisip pa at higit sa lahat, hindi ito alam ng manager niyang si Boy Abunda.
Sinubukan naming tawagan si Aiai bago siya umalis pero sarado ang cellphone at may nag-text sa amin na taga-Siete na, “Pumunta raw sa GMA si Aiai at kinausap si Ma’am Wilma, walang pirmahang naganap tulad ng napag-usapan.”
Samantala, sinubukan din naming i-text ang assistant ni Boy named Phillip tungkol sa isyu, pero hindi rin kami sinagot pa.
Anyway, nalaman namin na nagpaalam daw si Aiai kay Ms. Cory Vidanes na lilipat siya sa GMA-7 since wala naman siyang project sa nasabing TV network, pero ang say daw ni Ma’am ay, “Don’t leave us.”
* * *
Itinanggi na raw ng head ng
Sa exclusive interview ni Angel sa The Buzz last Sunday ay bluntly niyang binanggit ang name ng nasabing lady executive na huwag ipagpilitang siya ang nasa sex video dahil hindi raw niya magagawa at never niyang gagawin at sa mga nagsusulat ay huwag daw siyang babuyin.
Nakakalito lang dahil base sa lumabas sa internet ay mega-deny si Ms. Ida na wala siyang sinabing si Angel nga ang nasa sex video, in fact, sinabi pa niyang, “Hindi nga ako naniniwala kasi hindi ko pa napapanood ang video.”
Taliwas naman sa pahayag ng lady boss sa entertainment press na kabatak niya dahil ang esplika raw sa kanya ni Ms. Ida ay, “Ang sabi ko, kamukhang-kamukha ni Angel ‘yung nasa sex video.”
* * *
Four years ago ay nasa Cagayan de Oro City si Mark Bautista at nag-aaral ng kursong Fine Arts, pero huminto sa pag-aaral dahil hindi na siya kayang sustentuhan ng magulang na hindi rin kalakihan ang kinikita sa probinsiya.
Lumuwas ng Maynila ang binata para sumali sa Star For A Night at hindi man nakuha ang first prize ay masaya na rin si Mark dahil naging contract artist siya ng Viva Talent Agency.
Nakakagulat dahil ilang taon lang ang nakalipas ay heto na si Mark, marami na palang naipundar sa sarili at sa pamilya niya, nakapagpatayo na siya ng sarili niyang bahay sa Don Jose Heights, Commonwealth Avenue, QC na nagkaroon ng blessings last Thursday, August 10 na isinabay na rin sa 24th birthday ng binata at bukod sa bahay ay binigyan din ng restaurant business ang mommy niya sa probinsiya dahil magaling pala itong magluto at magtatayo pa uli ng isa pang branch somewhere in Kyusi bukod pa sa mga parlor na ipinatayo para sa ate niyang nasa Cagayan de Oro City.
Hindi man aminin ni Mark ay halatang girlfriend na niya si Riza
- Latest