^

PSN Showbiz

Isang araw mababalitaan na lang natin na okay na sina Ruffa at Yilmaz

SHOWBIZ MISMO! - Cristy Fermin -

Gustung-gusto na­min ang “kamaldita­han” at pagiging totoo ni Ruffa Gutierrez sa ipinalabas na mag­kasama nilang interbyu ni Yilmaz Bek­tas sa The Buzz sa pa­ma­magitan ng kasa­mang Boy Abunda.

Kumukurot si Ruffa kay Yilmaz, nananam­pal ang kanyang mga salita, tulad ng “Did you really hit me? C’mon, tell them now!”

“Next question, please,” palagi na­mang sagot ng Turko kapag mga diretsong tanong na ang ibi­na­bato sa kanya ni Ruffa, sukol na kasi ang kan­yang mister, nanga­ngapa ito sa pagsagot sa mga tanong niyang tumatalab.

Ayon kay Yilmaz ay handa na nitong tali­kuran ang naganap sa kanila ni Ruffa, ami­nado rin ang Turko na si Ruffa  at ang dalawa nilang mga anak na sina Lorin at Venice ang dahilan kung bakit nabubuhay pa rin ito hanggang nga­yon, pero laging umiiral ang kamalditahan ni Ruffa kapag ganun na ang sinasabi ni Yilmaz.

Ang kanyang patut­sada, “I think you should apologize to my family, I don’t think it’s the right time now. I think they’re both not ready to face each other, because there’s a lot of emotions in­volved.

“Of course, you can’t blame my parents as well, because you know, you started sending all these nasty messages to them,” diretsong sabi ni Ruffa kay Yilmaz.

Ang ilan pang direk­tang pagkompronta ni Ruffa kay Yilmaz, “Am I really Brutus? And you found me in the gar­bage?” Ang sagot na lang ni Yilmaz, “Next to the garbage.”

Ang sabi naman ni Ruffa, “Hello? Oh, my  God! When I saw you, you can’t even speak a word in English!”

Pinag-usapan din nina Ruffa at Yilmaz ang  pagpunta nila sa doctor para sa kanilang exam­ination, ang ka­t­wiran ni Ruffa, “You are going to the doctor with me tomorrow.” You have to admit your mistake. If you don’t admit your mistake then, you won’t be able to move on.”

Pero may lenggu­wahe sa amin ang pa­minsan-minsang pag­tapik ni Ruffa sa braso ni Yil­maz, may mas mala­lim na pakahu­lugan yun, lalo na nung sabihin pa ni Ruffa, “Sabi ko nga, I love you but you have to change. Be sweet and kind.”

Isang araw ay ma­babalitaan na lang natin, maayos na uli ang da­lawa at toto­tohanin na ni Yilmaz ang kanyang pangako na bibili na lang ito ng bahay dito sa Pilipinas para muling mabuo ang kanilang pamilya.

* * *

Nakiluha naman ang buong bayan kay Angel Locsin nung Linggo nang hapon sa The Buzz, sinsero ang iyak ng batang aktres, mada­las na may bumi­bikig sa kanyang lala­munan dahil sa so­brang sakit ng loob sa mga isyung ibi­nabato sa kanya noon habang wala siyang ka­laban-laban na nasa London at nag-aaral.

May mga pagkaka­taong meron ding diin ang kanyang mga pa­hayag, pero nagawa niya yun sa paraang nirerespeto niya pa rin ang kanyang tinutukoy, kitang-kita tuloy  na mali ang mga paghus­gang ibinato sa kanya nung wala siya rito.

Humingi siya ng pa­umanhin sa kanyang mga magulang dahil pati ang mga ito ay nakalad­kad na sa mga kontro­bersya, pagda­ting na sa kanyang pamilya ay aminado si Angel, handa siyang makipaglaban at lu­maban.

Inamin ng batang aktres na hiwalay ang kanyang mga magu­lang, sinabi rin niya na hindi totoong kasama sa bahay ang kanyang ina, pero kung totoong ganun nga ay wala siyang na­kikitang ma­sama dun.

Tama ang kanyang sinasabi, ke kasama pa sa bahay o ano ang kanyang ina ay hindi krimen yun, kahit pa puta ang ating nanay ay hindi pa rin kasa­lanang maitu­turing yun dahil walang batas na sinusunod ang pagma­mahalan at wa­lang anak na makapamili ng kanyang mga magu­lang.

“Kung sa akin lang po, kaya kong tiisin, pero huwag ang pa­milya ko. Kapag pa­milya ko na po ang sinasaktan, lalaban na ako,” malumanay pero may diing pahayag ni Angel Locsin.

KANYANG

RUFFA

SHY

YILMAZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with