^

PSN Showbiz

Dating bold star, mistress ng Japanese DOM

ISYU AT BANAT - Ed De Leon -

Hindi namin alam kung bakit ginagawang issue ng iba kung gami­tin man ni Lovi ang apel­yidong Poe. Hindi man niya sinasabi nang diretsahan, alam naman ng lahat ng mga tao sa showbusiness na anak siya ng movie king na si FPJ.

Maski naman noong pumapasok pa lamang siya sa show­business, kahit na ipini­pilit niyang makilala la­mang siya sa kanyang first name na Lovi, na gi­namit sa tele­bisyon at sa kanyang recording, hin­di pa rin naman naikubli na anak nga siya ni FPJ.

Noong una, may mga nagre-react  kasi nga na­ man ang alam ng la­hat halos noong una ay wa­lang anak si FPJ, at ang kinikilalang anak niya, si Mary Grace ay am­pon lang talaga. Noong ma­matay si FPJ, naglaba­san na isa-isa ang mga tunay na anak niya.

Maliwanag nga na­man na noong nabu­bu­hay pa si FPJ, kahit na nga sabihing di na­man niya pinabayaan ang kan­yang mga anak, hin­di niya inilalantad ang mga iyon sa publiko bi­lang respeto na rin sigu­ro sa kanyang asa­wang si Susan Roces, dahil hindi naman mai­kakaila na mag-asawa na sila ni Susan nang maging anak niya ang mga iyon.

Pero halimbawa, ka­gaya ngayon, nang ku­nin ni Mother Lily si Lovi bilang isang artista, gus­to niyang gamitin ang screen name na Lovi Poe. Hindi mo na­man ma­i­pagkakait sa bata yon dahil kahit naman noong araw ay ginaga­mit niya ang apel­yido ng tatay niya, hindi nga lang in public.

Aywan kung bakit gi­nagawa pang issue ‘yan ngayon ng iba. Kung kami lang ang ta­ta­­nu­ngin, palagay na­min ay hindi naman dapat.

*  *  *

Hanggang ngayon ay talagang nabubuhay na sunod sa layaw ang isang female bold star, kahit na sa totoo lang ma­­tagal na siyang wa­lang pelikula. Hang­gang ngayon pala ay dina­dalaw siya rito ng kan­yang boyfriend na isang Japanese DOM, kung hindi naman ay pa­lihim siyang nagpupunta sa Japan para magkita sila.

Ang Japanese DOM daw ang nagbabayad ng kanyang condo, at sa­sakyan, na malapit nang matapos ang pag­huhulog.

Pagkatapos naman daw noon, may panga­ko pa ang DOM na ibibili na siya ng bahay talaga.

vuukle comment

ANAK

ANG JAPANESE

LOVI

NAMAN

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with