Robert, Barbara, aktibo pa ring artista sa pelikula
That evening ay ini-launch ng Phil. Veterans Bank ang kanilang Cinema Ad. A family affair ika nga dahil bukod kay Robert ay naroon din ang anak nilang si Anna Ilagan na siyang nag-produce ng ad at dinirek ng batikang si Manalo Abaya. Boses ni Robert ang ginamit sa ad.
Sa ad na may pamagat na Sulong ay binigyan diin ang mga katangian ng mga Filipino bilang “matatag, matapat, maaasahan at may paninindigan” na angkop upang isalarawan ang progresong katayuan ng Phil. Veterans Bank sa loob ng maraming taon.
Ayon kay Robert, iisa ang mensahe ng PVB Cinema ad. “It encourages the modern-day Filipino hero to move forward. Sulong Pilipino”.
Mapapanood din ang mag-asawang Robert at Barbara sa indie digital movie entitled Gulong. Sadyang naiiba ang tema ng pelikula pero kung kalidad ang pag-uusapan ay para na rin kayong nanood ng mainstream offering. May special participation sa Gulong si Gary Valenciano.
Nakakalungkot isipin na sa kabila ng mga papuring ibinigay ng movie critics sa Gulong ay wala itong natamong award sa nakaraang Cinemalaya Film Festival.
Bihira ang nakababatid na nag-direk na rin ng pelikula si Robert. “I directed Huwad na Bayani a few decades ago pero ipina-pull out ito sa mga sinehan for political reasons. Sa totoo lang, mas madali ang umarte kaysa mag-direk. Or mag-voice over,” pangwakas niyang sinabi. — REMY UMEREZ
- Latest