^

PSN Showbiz

One night stand ng Pinoy matinee idol at Korean model

ISYU AT BANAT - Ed De Leon -

Ipinakita sa amin ng isa naming source ang resulta ng isang survey na ginawa sa pamama­gitan ng internet.

Umaabot na sa da­lawang libong respon­dents ang sumagot sa kanilang survey question at nasa 70% ng res­pon­dents ang nagsa­bing naniniwala silang maling desisyon ang ginawang paglipat ni Angel Locsin sa Dos.

Yan ay opinyon la­mang naman ng mga taong maaaring intere­sado pero nasa labas ng showbusiness. Karani­wang mga tao ang nag­sasabi niyan. Sarili ni­lang opinyon yan, pero pinaniniwalaan ng mga gumawa ng survey na iyan ay nagri-reflect ng opinyon ng karamihan sa mga Pinoy.

Hindi namin sina­sabing mali ang desis­yon ni Angel na lumayas sa dati niyang network at lumipat, ang masasabi lang namin siguro mali ang naging sistema ng kanyang paglipat. Dahil mali nga ang ginawa nilang paraan, yon ang dahilan kung bakit na­gi­ging negatibo ang da­ting ng kanilang paglipat ng network.

Ang isa pang mali, iyong sistema nila ng damage control. Muk­hang mali yong nag­papa-underdog pa ang kampo ni Angel Locsin, dapat inilabas na lamang nila kung anuman ang talagang katuwiran nila. Hindi iyong nagrerekla­mo pa silang wala na siya halos pahinga, hindi sila pinakikinggan kung humihingi sila ng umento at kung anu-ano pa. Ba­kit hindi sila nagrek­lamo bago sila lumayas sa Channel 7 at baka naga­wan pa ng paraan?

*  *  *

Sinasabi sa amin ni Kuya Germs, talaga raw binibigyan niya ng konsi­derasyon ang isang offer sa kanya ng isang con­cert venue na mag-pro­duce ng mga musical va­riety shows. Nanini­wala nga raw kasi ang man­agement ng nasabing con­cert venue na sa ngayon, maaaring ma­bu­hay ulit kung gagawa ng mga musical variety shows na live. Kagaya ng ginagawa nila noong araw sa Clover Theater, ka­gaya rin naman ng format ng kanyang GMA Supershow noon, ga­gawin nga lang live.

Naniniwala rin si Kuya Germs na maka­ka­tulong iyon dahil hindi naman lahat ng mga artista ay nagkakaroon ng pag­kakataong ma­kalabas sa TV. Kung mabibigyan nga naman ng pagkakataon ang mga iyon sa mga live musical variety shows, magkakaroon sila ng pagkaka­taong kumita, lalo na ngayon at bagsak naman ang mga peli­kula.

Palagay namin, ok ang ideyang yan ni Kuya Germs.

*  *  *

Malaking tsismis ang nasa­ gap namin. Alam ba ninyong may tsismis na ang isang bading na Pinoy matinee idol ay naki­pag-one night stand daw sa isang may name din namang Korean male model? Wala tayong ka­malay-malay, sumaglit pala ng ba­kasyon sa Seoul ang gay matinee idol, at doon niya na­kilala at naka-date ang sikat na male Korean model.

vuukle comment

ALAM

ANGEL LOCSIN

CLOVER THEATER

KUYA GERMS

PINOY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with