Katrina, nailang kay Richard
Nilinaw ni Katrina Halili ang isyu tungkol sa kanila ni Boy2 Quizon kung saan sinabi raw ng aktor na lahat ng babae sa Lupin ay natikman niya at ang pinakamatindi sa lahat ay si Katrina Halili.
Tinanong namin sa presscon ng Marimar kung ano ang reaksyon niya tungkol dito.
“Hindi ako naniniwalang sinabi yun ni Boy2 dahil magkaibigan kami. Nakausap ko na siya at wala naman siyang sinasabing ganito tungkol sa akin. Hindi rin ako naniniwala na gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot
Inamin din ng seksing aktres na nag-audition siya sa Marimar at tinanggap niyang hindi siya ang nakuha sa title role dahil katwiran niya, hindi naman siya maambisyosa. Kuntento na siya kung ano ang ibigay sa kanya.
“Kumusta naman ang kissing scenes n’yo ni Richard Gomez bilang mag-asawa sa teleserye?” tanong namin.
“Nailang ako sa kanya dahil sikat na siya pero naging komportable ako dahil binibiro niya ako at naging maganda ang working relationship namin sa dakong huli,” dagdag pa ni Katrina.
Gagampanan nito ang papel ni Angelika ang ambisyosang kababata at nobya ni Sergio na pakakasalan ang mayamang ama nito para maiahon sa hirap.
Ang Marimar ay mapapanood sa Lunes after Lupin.
‘Matamis Ang Labi Ni Dingdong’ Marian
Nagkakaisa sa pagsasabi sina Atty. Felipe Gozon at Ms. Wilma Galvante na si Marian Rivera ang susunod na magiging big star ng GMA 7.
Ayon kay Marian Rivera, lahat ng suportang tinanggap niya ay ibabalik niya sa Siete.
“Napakaganda ng ginagawa nilang pagpahalaga sa akin. Tatanawin ko itong utang na loob sa kanila habang ako ay nabubuhay.”
“Kumusta naman si Dingdong Dantes as leading man? Masarap ba siyang humalik?”
“Komportable ako sa kanya bilang kapareha at matamis ang labi kapag humalik. Hindi ako tiyak kung mai-inlove ako sa kanya,” anang Marian.
May ilang nag-iintrigang bagay na bagay ang dalawa kaya ang tanong ay kung di kaya ma-develop sila sa isa’t isa.
- Latest