^

PSN Showbiz

Socialite ibibigay ang premyo, magbabayad pa, manalo lang sa text votes

- Veronica R. Samio -

Pinasaya ng socialite na si Tessa Prieto Val­dez ang presscon ng Celebrity Duets, isang bagong reality search program ng GMA7 na magsisimula sa  Agosto 11. Hindi kasi ito nagpa­tumpik-tumpik sa pagsa­sabing mananalo siya sa nasabing pakontes.

Dahil daw ang mana­nalo ay ibabase sa text votes, ngayon pa la­mang ay tinitiyak na niyang makakaabot siya hanggang sa huling linggo ng paligsahan na tinawanan lamang ng kanyang makakalaban na sina  Bb. Pilipinas Universe Ana Theresa Licaros, TV host, events organizer Tim Yap, cos­metics surgeon Manny Calayan, entrepreneur cum talent manager Jes­sica Rodriguez,  dash­ing doctor from Belo Medical group at sinasa­bing constant date ni Vicki Belo, Hayden Kho, talent manager Wyngard Tracy, fashion designer Frederick Pe­ralta.

Sinabi rin ng fashion icon at isa ring columnist na bagaman at hindi siya marunong kumanta, da­daanin na lamang niya sa pagandahan ng cos­tume ang labanan. Hindi pa man nagsisimula ang contest ay malaki na ang abono niya dahil, bumili siya ng karaoke system at kumuha ng voice coach. Isang milyon la­mang ang premyo ng ma­nanalo at ang kala­hati nito ay obligado  silang ibigay sa isang charity na mapipili nila.

Ang Celebrity Duets na iho-host nina Ogie Al­casid at Regine Velas­quez ay isang ideya ni Simon Cowell, isa sa  mga judges ng Ameri­can Idol at mabilis na naging popular sa US.

Bagaman at may text votes, meron pa ring tat­long judges na hu­husga sa performances ng mga contestants, sina Louie Ocampo, Mitch Val­dez at  Buboy Garo­villo.

Binigyan ang walong celebrity contestants ng pagkakataong pumili ng kanilang makaka-duet at mga kantang kanilang ipi-perform.

* * *

Sa wakas, nagka-pe­ likula na rin ang isa sa mga housemates ng Pinoy Big Brother Sea­­son 1 na si Chx Alcala.

Kasama siya at may mahalagang role sa isang Indie Film na ginawa ng Daven Pro­duction, gumawa rin ng Troika sa direksyon ni Aloy Adlawan, ang gu­mawa ng script ng Ouija.

Ang movie na pina­magatang Signos da­ting Alabok, ay isang suspense horror film, tungkol sa isang arki­tektong tinalikuran ang kanyang probinsyang pinagmulan. Nagbalik lamang siya rito nang mamatay sa atake sa puso ang kanyang ama.

Sa kanyang pagba­ba­lik, iba’t ibang mis­teryo ang kanyang na­diskubre.

Isang babaeng pu­tik ang role ni  Chx.

“Nahirapan ako da­hil kinailangan kong magpagulong-gulong sa putik.”

Meron din siyang kiss­ing scene kay Luis Alandy.

“Okay lang naman, nawindang lang ako dahil sa first shooting day ko ay ito kaagad ang unang eksenang ipinagawa sa akin. Mabuti na lang Indie, dahil di pwedeng ang maraming takes, ka­ilangang sa unang take pa lang ay perfect na,” sabi niya.

Bago ang Signos ay maraming offers para kay Chx pero, walang napili ang Artist Center na siyang humahawak ng career niya.

“Okay lang sa akin ang magpa-sexy pero, ayaw ng Talent Center. Ayaw ko rin naman ng bold, wala akong boobs,” sabi niya.

ALOY ADLAWAN

ANG CELEBRITY DUETS

ARTIST CENTER

ISANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with