20th Awit Awards, pwedeng pagpustahan!
Sa Agosto 8 na itatanghal ang 20th Awit Awards Night, isa sa pinakahihintay at prestihiyosong event sa Pinoy music industry, sa NBC Tent, The Fort,
Mukhang mahigpitan ang laban sa taong ito, dahil hanggang ngayon, pati ang mga batikang manunulat ay hindi matiyak kung sinu-sinong mga artista sa musika ang kanilang pipiliin na puwedeng magwagi.
Sa Best Performance by a Female Recording Artist, marami ang pumupusta kay Lani Misalucha ‘‘I Live For Your Love’’. Halos kasindami rin ang mga nanghuhulang mananalo si Regine Velasquez ‘‘Till I Met You”) Nina ‘‘Someday’’, Barbie Almalbis “Dahilan’’ at Skarlet ‘‘Skarlet’’.
Sa Best Performance by A Male Recording Artist, tila nakakaungos si Gary Valenciano — with two songs as finalists, ‘‘In Another Lifetime’’ at ‘‘
Sa kategoryang Best Performance by a Duet, tiyak na sina Mon David & Bituin Escalante ‘‘Alone Together’’ at Martin Nievera & Regine Velasquez ‘‘Kailangan Ko,
Mga pangunahing banda ang maglalaban sa Best Performance by a Group Recording Artists: Kamikazee ‘‘Narda’’, Sponge Cola ‘‘Bitiw’’, Sugarfree ‘‘Kung Ayaw Mo Na Sa Akin’’ at Kala ‘‘Jeepney’’.
Si Yeng Constantino ang llamado sa Best Performance by a New Female Recording Artist para sa kanyang ‘‘Hawak Kamay”. Mahigpit niyang kalaban si Sitti para sa kantang ‘‘Para Sa Akin.’’
Ang sabi ng kanyang mga fans, deserving naman si Aaron Agassi ‘‘Calculate It’’ upang magwagi ng Best performance by a New Male Recording Artist trophy. Ayaw naman pumayag ang mga tagahanga nina Gian Magdangal ‘‘Himala,’’ JR Siaboc ‘‘Hilot’’ at Jimmy Marquez ‘‘Tanging Ikaw’’.
Sa album of the Year, marami ang boto para sa ‘‘Relevance’’ ni Gary Valenciano. Ang mahigpit na kaagaw ni Gary V sa tropeo ay ang Kamikazee para sa ‘‘Maharot’’ album at Sponge Cola na hinahangaan sa kanilang ‘‘Transit’’ album.
Sa Best Selling album category ang lahat ay nagsasabing walang kalaban ang ‘‘KaminAPO Muna.’’ Ito kasi ang pinakamabiling album last year at nakabenta ng mahigit four times platinum. Sa award na ito kasi, sales lang ang tanging basehan.
Ang ‘‘In Another Lifetime’’ ni Gary V ang napipisil naming Best Ballad recording: ang ‘‘Narda’’ ng kamikazee ang best Rock; at ang ‘‘Calculate it’’ ni Aaron Agassi ang Best Dance recording.
* * *
Tulad ng pinangako ni Senate President Manny Villar bago mag-eleksyon, pagtutuunan niya ng pansin ang pagtulong sa industriya ng pelikula.
Ang mungkahi niya sa mga movie industry leaders, makipag-dialogue sa mga congressman, lalo na sa Ways & Means Committee, na in-charge sa film industry.
‘‘Kailangan kasi magsimula sa Lower House ang panukala, bago namin aksyunan sa Senado”, paliwanag ni Senate President Villar.
“Kapag nakarating na sa amin ito, madali ng suportahan ng maraming Senador ang isang batas.’’
Ayon kay Sen. Villar ang hiling sa kanya ni Mother Lily Monterverde ay unahin na ang taxation. Kalingan kasi talaga ng industry na mabawasan ang mga buwis upang mag-survive. Kaya naman ito ang una niyang gagawin, ang mag-concentrate na magkaroon ng batas upang mabawasan ang mga buwis sa pelikula.
- Latest