^

PSN Showbiz

Maraming gustong manligaw kay Ruffa, pero natatakot kay Yilmaz!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Kanya-kanyang ta­wag ang magka­kapa­tid na Ruffa, Raymond at Richard Gutierrez ng ka­­­­nilang showbiz friends para mag-par­ticipate sa RRRampa for a Cause, ang two-part charity event na ga­gawin sa Rockwell Tent sa September 16. Kaya, magsasama sa fund-raising celebrity bazaar at fashion ang Kapa­milya at Kapuso stars. More than one million ang target nilang mali­kom para ibigay sa Make-A-Wish Foun­dation at World Vision.

Aliw ang kuwento ni Ruffa tungkol kay Yil­maz Bektas. Kunwari raw ay against ito sa pagiging product en­dorsers nina Lorin at Ve­nice, pero paulit-ulit pi­napanood ang TVC ng Nido at teary-eyed pa. Natutuwa rin ito na ka­hit hiwalay na sila’t nasa Turkey ito, takot dito ang mga balak man­­ligaw sa kanya. “I’m hap­py that people are af­raid of Yil­ maz,” sabi nito.

Nagsu-shooting na si Ruffa ng Despe­radas at magsisimula na silang mag-shooting ni An­na­belle Rama ng My Mons­ter Mom. Na­bang­git ni Annabelle na after Kokey, may soap si Ruffa with Angelica Panganiban at isa pang soap bago magtapos ang kontrata sa ABS-CBN.

*  *  *

Ayaw magkuwento ni Jennica Garcia sa nangyari sa dinner date nila ni Mart Escu­dero sa Next Door Res­tau­rant sa Makati City. Ang hindi nito alam, naka-post sa In­ternet ang lit­rato nila ng kapareha sa Impos­tora, pati ang pag­bibi­gay sa kanya ng three red roses.

Nakuwento ni Po­poy Caritativo, mana­ger ni Mart, na nagpa­alam ang young actor kung puwede silang manood ng sine ni Jen­nica, pero hindi natuloy. Hindi na tinanong ni Po­poy kung ano ang nang­yari at kami na ang mag­tatanong, pati kung to­toong nagkaka-deve­lopan na silang dalawa.

Magandang balita kina Mart at Jennica ang nabalitaan naming natu­tuwa ang GMA-7 man­age­ment sa duma­rami nilang sup­porters. Kaya lang, paano sila ipu-push kung bini-build up din ang tambalan nina Mart at Kris Bernal sa Boys Nxt Door? Si­lang da­lawa rin ang mag­ka-pareha sa Kulam ng Regal.

*  *  *

Customized at made in Japan ang Coke Fame Bus na gaga­mitin ng 12 fina­lists sa Ride to Fame: Yes to Your Dreams na mapapa­nood mamaya sa GMA-7 after SOP. May lounge ang loob nito, reclining ang seats at complete ang gamit, pero wa­lang CR.

Sa bus sasakay ang 12 fi­na­lists habang gi­nagawa ang iba’t ibang chal­lenges na sabi ng hosts na sina Drew Arel­lano at Karel Mar­quez ay ka­bibi­langan ng singing un­der water gaya nang ginawa ni Mang Jerry kay Re­gine Velasquez noon.

Kasama sa 12 fina­lists si Aaron Cadawas na nag-audition sa Boyz.Com. Tanggap siya at isa pang non-showbiz, pero inalis at pinalitan ni Manny Va­lera kina Joseph Bi­tangcol at Alwyn Uy­tingco. Kapatid ni Glai­za de Castro si Alchris Galura na rakista’t ma­hilig pala sa music.

AARON CADAWAS

ALCHRIS GALURA

PLACE

RUFFA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with