Pera ang hadlang sa relasyon nina Wendy at Bruce
Nakatanggap kami ng balita mula sa kaibigan naming nasa Washington DC kung saan naka-stay ngayon ang grupo ng PDA headed by Yeng Constantino, Jay-R Siaboc, RJ Jimenez at mga guest na sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban na habang naglalakad si Ronnie bandang alas nuwebe ng gabi sa park ay biglang pinagbabaril siya ng tatlong black Americans na sakay ng kotse.
“Ronnie was walking alone when he heard gunshots from these black Americans, we heard him saying, God, right after the shooting, Ronnie ran towards the hotel without looking back.
“There were people around who witnessed the incident, but no one cared, it’s just an ordinary thing here,” kuwento ng kaibigan namin doon.
Tinext namin ang manager ni Ronnie na si George Roca para alamin ang buong detalye pero sinagot kami na kasalukuyan pa rin niyang kino-kontak ang alaga.
* * *
Say daw ng GMA-7 ay hindi nila pini-freeze si Jennylyn Mercado in fact ay bibigyan pa nila ang aktres ng mga show.
Pero ngayong araw, Linggo ay supposedly nasa SOP ang dalaga, pero anong nangyari, na-cancell daw ang nasabing guesting ayon mismo sa PA ni Jennylyn at galing daw ang utos sa
Pero hoping pa rin ang manager ng aktres na magagawan pa rin ng paraan ang problema niya kay Jennylyn, base na rin sa magandang usapan nila ng mag-amang Atty. Felipe L. Go zon at Atty. Annette Gozon-Abrogar ng GMA-7.
* * *
Finally, inamin na rin ni Wendy Valdez alyas Margarita na hindi pa niya maaring sagutin o maging boyfriend si PBB2 Bruce Quebral dahil pareho sila ng problema sa buhay.
“Paano ko siya sasagutin, e, pareho kaming problemado sa pamilya namin, pareho kaming breadwinner, pareho kaming wala pang pera, so imbes na relasyon ang pag-usapan namin, e, di ‘yung mga dapat naming unahin, basta masaya kami, ganu’n na lang muna.
“Good thing talaga na binigyan ako ng ABS ng Margarita at malaking tulong talaga iyon sa akin,” kuwento ni Wendy sa pocket interview sa kanya ng ABS-CBN.
Naghihirap pa rin pala si Wendy? Ang buong akala ng lahat ay may sponsor ito na siya ring tumulong sa kanya during the Big Night ng Pinoy Big Brother 2?
“Helloo, kung meron man, e, di sana ipagawa na niya ang bahay namin, para hindi na kami namumublema? Kaya nakakatawa ‘yang isyung may sugar daddy o DOM ako, kasi kung meron sana unang-una kong request, pagawa niya bahay namin sa squatter o kaya ilipat niya kami sa magandang bahay, e, wala, nandoon pa rin ako nakatira. At dami ko utang na binabayaran pa,” dagdag esplika pa ni Wendy.
* * *
Pagkatapos makatanggap ng Best Actress award ang anak nina directors Johnny Delgado at Laurice Guillen na si Ina Feleo para sa indie film na Endo sa Cinemalaya Film Festival ay gusto naman niyang subukan ang makagawa ng commercial film.
“E, kung meron po sanang offer, why not, siyempre gusto ko ring gumawa, pero as of now kasi sa indie film ako nalilinya,” saad ng 21 year old lass who just finished creative writing in Ateneo.
Bagama’t nagtapos ng creative writing si Ina, pero hindi raw ang pagsusulat ng script ang pinagtuunan niya ng pansin dahil mas nag-concentrate siya sa non-fiction, “but I will try to write scripts, why not,” sambit pa ng dalaga. —REGGEE BONOAN
- Latest