^

PSN Showbiz

Aga, may bagong kinababaliwan

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

May bago ngayong kinababaliwan ang mag-asawang Aga and Charlene Muhlach, ang wake boarding. Madalas nang sumali si Aga sa mga competition kaya magkakaroon siya ng 1st Wake Boarding Muhlach Cup na gaganapin sa Camarines Sur.

Pero biro nga ni Aga, mas grabe raw si Charlene mag-wake boarding kesa sa kanya.

Anyway, tsinika namin si Charlene sa birthday dinner for Tita Ethel Ramos kung anong mga sacrifices ni Aga para pumayat siya at pagnasaan ng bading ngayon. Grabe raw sabi ng magandang misis ni Aga ang sakripisyo ng kanyang asawa. Pinaka-grabe raw nung first three months.

Sa simula raw kasi, hindi agad pumayat si Aga kahit anong gym nito – twice a day na nga raw pero wa effect. So pati diet sobrang naging strict daw si Aga at may times na nagigising ito sa madaling araw dahil nagugutom. Ang kakainin lang daw nito oatmeal and milk lang.

Pero nang mag-start naman daw na magbawas ng timbang ang aktor dahil sa regular gym and strict diet, nagtuluy-tuloy na.

More than 50 lbs ang nabawas sa kanya at ngayon, mas maganda pa ang katawan niya compared nung kanyang Bagets days.

Kaya ngayon, ang daming bading na nag-iilusyon sa katawan ng aktor na tinatawanan na lang ni Charlene at kahit ni Aga.

Ginawa naman tala­ga niya ang pagpapa­payat dahil sa pelikulang A Love Story dahil may love scene siya with Angelica Panganiban. Eh kai­langan nga na­man niyang makipagsa­bayan sa young actress.

Kaya lang wala pala ang actress para tumu­long sa promo ng peli­kula.

Isa pang nakatsika namin sa birth­day din­ner ni Tita Ethel sa Florabel’s in Podium ay si Direk Joyce Bernal. Si Direk Joyce ang nagha-handle ng Marimar. Kuwento ni Direk, minsan daw ay tinotopak sa shooting ang asong si Nigel na nagpo-portray ng character ni Fulgoso. Pag mainit daw ay ayaw nitong mag-shooting at may sarili itong food na kinakain.

Ang alam din ni Direk, mahal ang bayad kay Nigel pero siguro naman, hindi mas mahal sa talent fee nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Siyempre hindi pu­wedeng mangyari yun dahil napaka-OA naman kung ganun di ba?

Sa issue na niretoke ang boobs ni Marian for Marimar, ang tsika ni Direk Joyce not true. Sa rami kasi nang naidirek ng bagets na director, alam na niya siyempre kung sino ang touched ng doctor ang boobs at sino ang hindi.

“May sariling buhay kasi ang boobs pag retokado,” she said kaya naniniwala akong sure siya na hindi pinakiala­man ng doctor ang boobs ng bida ng  Pinoy version ng Marimar.

Sure rin ako na hindi gagawa ng horror film si Direk Joyce. Grabe kung makatili yan pag nanonood ng horror film. He he he! As in. What more kung magdidirek pa siya!

Anyway, isa pang special announcement sa birthday ni Tita Ethel ang sinabi ni Sen. Bong Revilla na tatakbong bise presidente sa 2010 elections. At least hindi na ito speculations, con­firmed na.

vuukle comment

A LOVE STORY

AGA

CHARLENE

DIREK JOYCE

MARIMAR

SHY

TITA ETHEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with