^

PSN Showbiz

Digitally remastered album ni Nat King Cole, inilabas ng Alpha Music

-

Masayang ibinabalita ng Alpha Music ang pag-release ng digitally remastered album ng pamosong singer na si Nat King Cole.

Pinamagatang ‘‘Unforgettable,’’ ang naturang 2-disc special album ay naglalaman ng awiting pinasikat ni Nat King Cole kabilang na rito ang mga classic hits na ‘‘Unforgetabble,’’ ‘‘Mona Lisa,’’ ‘‘Too Young,’’ ‘‘Smile,  “A Blos­som Fell,’’ ‘‘Nature Boy,’’  ‘‘Some­where Along The Way,’’ ‘‘‘Faith Can Move Mountains,’’ ‘‘Be­cause You’re Mine,’’ ‘‘Can’t I,’’ ‘‘Angel Eyes,’’ ‘‘Make Her Mine,’’ ‘‘Tenderly,’’ ‘‘The Christmas Song (Merry Christmas To You),’’ ‘‘Sweet Lor­raine,’’ “It’s Only A Paper Moon,’’ ‘‘Em­braceable You’’. ‘

Si Nat King Cole ay naging tanyag noong kalagitnaan ng 20th Century. Ang kanyang pag-iiba ng music genre at paglipat sa pop ballads (dati siyang jazz pianist at pop singer) ang naging dahilan para siya sumikat. Naging million seller ang kanyang awitin na ‘‘I Love You” For Sentimental Reasons.’’ Simula noon, sunud-sunod na ang kanyang mga naging hits tulad ng ‘‘The Christmas Song’’ at Nature Boy’’ at noong 1950, ang kanyang awitin na ‘‘Mona Lisa’’ ay naging tanyag.

Throughout his adult life, si Cole ay isang heavy smoker at matapos maoperahan sa stomach ulcers noong 1953, pinayuhan siya na huminto na sa paninigarilyo ngunit hindi niya ito kinaya. Noong 1964 siya’y na-diagnosed na mayroong lung cancer. Siya’y namatay noong Feb. 15, 1965 sa St. John’s Hospital sa Santa Monica, California.

Ang ‘‘Unforgettable’’ album ni Nat King Cole ay mabibili na sa CD format sa lahat ng Alpha outlets sa buong bansa. —Dearly S. Ganaden

vuukle comment

A BLOS

ALONG THE WAY

CHRISTMAS SONG

LSQUO

MONA LISA

NAT KING COLE

NATURE BOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with