^

PSN Showbiz

Valerie, naunahan pa si Angel sa ABS-CBN!

-

Dahil sa sobrang dami ng lagareng taping ni Roxanne Guinoo ay tsinugi na siya bilang co-host ni Willie Revillame sa Wowowee.  Last Tues­day, after the show ay sinabihan si Roxanne na huling araw na niya iyon kaya nabigla ang dalaga at nag-iiyak.

Samantala, si Va­lerie Concepcion ang guest co-host ni Willie kahapon, Miyerkules at dahil wala nang kon­trata ang dalaga sa GMA-7 ay naging in­teresado ang pamu­nuan ng network sa kanya.

* * *

Comment ng mga katoto kay Ms. Maricel Soriano sa press launch ng A Love Story ng Star Cinema, “Buti pa si Dina Bon­nevie, nagbago na ng ugali, hindi na mataray, si Maricel ganun pa rin, kapag hindi niya type ang tanong, namba­bara pa rin.”

Obserbasyon ito ng nakararami at ito rin ang napansin namin dahil sa tagal na hindi na nakakapanayam ng entertainment press ang nag-iisang Dia­mond Star ay sabik sila sa paga-update sa aktres, pero hindi na­man nakiki-cooperate ang isa sa leading lady ni Aga Muhlach.

Tulad sa tanong kung ilang TVC mayroon si Marya dahil nga napa­panood siya sa telebisyon, ang sagot niya ay, “Ha, saan nanggaling ang mga iyon?  Meron ba? Hindi ko kasi napapanood, umaga na ako umuuwi at very seldom akong manood ng telebisyon.

Pangalawang tanong kung ku­musta na ang annulment nila ng asawang si Edu Manzano.

Sinagot niya ng, “Ha?” Kung ayaw niyang sagutin, puwede niyang sabihing change the topic or huwag ng pag-usapan. Kaya ang respe­ta­dong kolumnistang si Mario Bautista ang sumagot ng, “Walang annulment kasi hindi sila nagpa-file.”

At dahil press launch iyon, natural, nakatutok ang mga TV camera sa aktres, at dahil iinom siya ng kape, bigla niyang sinabihan ang mga cameraman ng, “O, ano, puwede ba akong uminom ng kape?  Bawal ba?” Na puwede naman niyang i-request na puwedeng pakipatay na lang ang mga camera kasi iinom ako ng kape.  In the first place, ma­sama bang uminom ng kape na may nakatutok na TV camera?

Well, sabi nga nila, hindi si Maricel Soriano ‘yun kung hindi siya nagtataray at namba­bara.

Pero nakakatuwa dahil ibang-iba ang ugali ni Marya sa A Love Story, parang mas magandang pa­noorin na lang siya sa pelikula. – REGGEE BONOAN

A LOVE STORY

AGA MUHLACH

DAHIL

DINA BON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with