^

PSN Showbiz

Sandara, bumalik na ng Korea!

SHOWBIZ MISMO! - Cristy Fermin -

“I’m leaving Philip­pines for good,” simula ng mensaheng ipina­dala sa amin ni San­dara Park nung isang araw.

Kahapon nang ma­kapananghali ay uma­lis na ang batang ak­tres kasama ang kan­­yang ina at mga ka­patid pa­uwi sa Korea, tuluyan na ni­yang ti­nalikuran ang showbiz, dun na sila ma­nini­rahan.

Isang araw bago umalis si Sandy ay nag­punta muna siya sa opi­sina ng Talent Cen­ter (Star Magic na nga­yon), nag­dala siya ng cake para kay Direk Johnny Mana­han, nag­paalam siya sa mga taong ilang taon din niyang naka­sama.

Sa Seoul muna ma­ni­ni­rahan ang mag-iina, may isang kum­pan­yang nagma­gan­­dang-loob na magbi­gay ng lugar na pan­samantala nilang ma­titirhan, hindi uuwi sina Sandara sa kani­lang probinsiya.

Mula sa Busan ang pamilya Park, pagta­trabaho sa bukid ang kanilang ikinabubuhay, pero labing-isang taon na ang nakararaan ay nagdesisyon silang ma­ni­rahan dito sa Pilipinas dahil nagka­roon ng ne­gosyo dito ang kanyang ama.

Naging maayos na­man ang kanilang ka­la­gayan dito nung mga unang taon, hanggang sa malulong sa sugal si Yuri Park, dun na nag­simula ang mga indulto sa kanilang pamilya.

Nakulong ang ama ni Sandy, ilang taon nang siya ang tuma­tayong padre de pa­milya, pero nitong mga huling pana­hon ay hindi na naging maganda ang takbo ng kanyang career.

Ang pangyayaring yun ay hindi maaaring isisi ni Sandara sa Talent Center at sa mga taong nagpapa­takbo sa kan­yang ca­reer, lalong hindi niya puwedeng ituon ang sisi sa kanyang mga ka­ibigan, dahil nung magdesisyon siyang mawala nang ilang bu­wan sa kainitan ng kan­yang papularidad ay maraming nagpayo sa kanya na huwag umalis.

Nakakatakot ang ga­nun, ang pagkawala ay puwedeng mauwi sa paglimot at ganun nga ang naganap kay San­dara Park, nung mag­balik-Pilipinas siya ay meron nang mga ba­gong mukha, meron nang mga bagong ka­bataang artistang ma­hal ang bayan, wala na siyang tronong bina­likan.

May katiga­san ang ulo ni Sandara Park, kung ano ang gusto niya at maisip niya ay yun ang kan­yang gina­gawa, kahit pa kontra ang marami sa gusto niyang mangyari.

* * *

Tapos na ang kani­lang relasyon ni Jo­seph Bitang­col, tuma­gal din nang halos tat­long taon ang kanilang pag­mama­halan, syem­pre’y ikina­lulungkot ni Jo­seph ang desis­yon ni Sandy na bumalik na sa Korea pero wala naman itong maga­gawa.

Kunsaba­gay ay ma­ganda na rin ang na­ging desisyon ni San­dara, nga­yong Sept­em­ber ay renewal na naman ang kan­yang work­ing visa, ka­ilangan ding ayusin ang mga doku­mento ng kan­yang ina at mga ka­pa­tid sa pa­ninirahan dito at saan nga naman siya kukuha ng pam­ba­yad dun kung gani­tong wala na­man siyang ma­pag­ku­kunan?

Wala na siyang re­gular na pro­gram, mag­karoon man siya ng mga provincial shows ay hindi naman fiesta araw-araw, kaya kesa sa mag­ka­utang-utang sila dito ay nag­de­sisyon na ang ba­tang aktres na bumalik na sa kanilang bayang si­nilangan.

Masakit na masakit para kay Sandy ang pang­yayaring ito, na­ranasan din kasi nilang mamuhay nang masa­rap, dahil nung kan­yang kainitan ay ma­bentang-mabenta siya.

Isang malaking ehem­plo para sa iba pang mga artista ang nangyari kay Sandy, isang malaking patotoo ito na ang ka­sikatan ay hindi pang­habambu­hay, ngayon ay naka­upo ka sa trono pero kinabu­kasan ay meron nang ibang umookupa sa pwesto mo.

Umalis si Sandara na bigo, wala na siyang naipon ay wasak pa ang kanyang puso. Isang panibagong buhay ang kailangan nilang simu­lan sa Seoul, magiging ma­hirap para sa kanila ang ganun, pero wala na silang ibang pami­milian pa.

Kung susuwertihin si Sandy ay puwede rin siyang mag-apply sa Korea TV network, putok na putok naman dito ang mga Korean-novela, ma­lay natin kung mapa­ha­nga niya ang mga ehe­ku­tibo ng kumpanya at big­yan siya ng mga seryeng ipalalabas sa buong Asia?

PLACE

SANDARA

SHY

SIYA

YANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with