^

PSN Showbiz

Ryan, pinupuna pati pag-upo ni Maja

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Walang kapatid na babae si Ryan Agon­cillo pero inamin nito sa presscon ng My Kuya’s Wedding na sakaling may kapatid siyang babae na nakababata ay ma­giging over protective siya.

“Sa syuting nga ng pelikula namin ay tsini-tsek ko ang pag-upo ni Maja Salvador. Sina­sabi ko sa kanya na “close your book” ka­pag medyo nakabu­kaka ito. Kapag break time at nakita ko si Pauleen Luna na na­kahiga sa kama ay sasabihan ko ang asst. ko na iurong ang kama sa tagong lugar at hindi yung kitang-kita siyang nakahiga ng mga tao sa set. Sa tunay na buhay kapag may mga manliligaw sa aking kapatid na babae ay kikilalanin ko silang mabuti at aalagaan ko ang aking kapatid,” pa­liwanag ni Ryan.

Angel, balak kumuha ng crash course sa directing

Nakakwentuhan ko si Ela Colmenares ka­patid ni Angel Loc­sin na kasama nito sa London at sinabing enjoy na enjoy sa pag-aaral ang kapatid at sa kanyang pamumuhay dun bilang ordi­naryong tao na malayo sa kleig­lights.

“Nakakakain siyang mabuti at hindi nagmamadali dahil may taping o syuting. Katunayan, nag-gain ito ng 15 lbs. Sa kabila ng intriga ay masaya ito at di naa­apektuhan dahil katwiran niya, wala namang ka­totohanan ang mga tsismis. Siya rin ang nagbibitbit ng gamit dahil walang driver,” ani Ela.

Sinabi pa rin ng kapatid na paanong isasama ni Angel ang kanyang papa dun gaya ng intriga gayung tumutuloy ito sa Assumption convent kasama ang mga madre.

Idinagdag pa rin ni Ela na ma­raming crash course sa London kaya nag-iisip pa si Angel kung kukuha ng directing dahil pangarap nitong ma­ging direktor balang araw. Kaya lang miss na miss na niya ang kanyang trabaho at gusto nang bumalik sa bansa.

Wilson Tieng, walang Anak

Isa itong paglilinaw na naisulat sa Peo­ple’s Tonight (July 30, 2007) kung saan sina­sabing may anak si Wil­son Tieng. Si Wil­liam Erwin Tieng na nanalo bilang party­list representative sa naka­raang eleksyon ay pamangkin at hindi anak ni Wilson. Anak siya nina William (pa­nganay na kapatid ni Wilson) at Aida Tieng. Very close ang presi­dente ng Solar Enter­tainment Corporation sa lahat ng pamangkin.

AIDA TIENG

ANAK

ANGEL LOC

CITY

PLACE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with