^

PSN Showbiz

Ryan, di makatingin ng tuwid kay Mother Lily

-

Kung walang ma­babago sa plano, sa GMA-7 pa rin ang next TV show ni Robin Pa­dilla. Nakipag-meeting na ang actor para sa ga­gawing Joaquin Burdado, pero Jan­uary next year pa raw ito naka-schedule, pero kasama na sa line-up ng sunud-su­nod na shows ng net­work.

Wala pang detalye at ‘di pa nga alam kung sino ang director at ang makakasama ni Robin sa second primetime show niya sa Ch. 7. Ang istorya nito’y ga­ling sa isa sa limang komiks na ilo-launch ni Carlo J. Caparas sa September 4. Hindi lang kami sure kung aling komiks at kung sino ang sumulat.

* * *

Hindi naniniwala si Ryan Agoncillo na aalis sa ABS-CBN si Judy Ann Santos para lumipat sa GMA-7. Ka­pipirma lang daw ng girlfriend ng kontrata sa Ch. 2. “I don’t think it will happen soon, but she made a movie with GMA Films,” wika nito.

Tuwang-tuwa pala si Ryan sa presscon ng My Kuya’s Wedding dahil natupad na ang dream niyang maging Regal baby. Fan ito ng movies ng film compa­ny lalo na ang Shake, Ratlle & Roll series na laging inaab­a­ngan sa Metro Manila Film Festival.

Ibinuking din nito ang sarili na starstruck siya kay Mother Lily at hanggang ngayon, hin­di pa rin siya ma­katingin ng tuwid sa kanyang pro­ducer. Si­guro naman, ‘pag ginawa na nila ni Judy Ann ang movie nila sa Regal next year, ma­sasanay na siya sa producer.

Si Ryan din ang nagpaalalang birthday presentation ni Mother Lily ang MKW, dahil birthday ng producer sa August 19 at sa Aug. 29 naman ang showing ng movie. After the presscon last Saturday, gina­nap ang cast party sa Café Kara­vana na ipi­nang-imbita ng TV host-actor. – NITZ MIRALLES

CARLO J

JOAQUIN BURDADO

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MOTHER LILY

MY KUYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with