Babalik na ang komiks!
Isa ako sa hindi pabor na ibahin ang original concept ng komiks na ilalabas ng grupo ng mga batikang komiks writer na si Carlo J. Caparas.
Isa sa suhestiyon ni Sec. Heherson Alvarez ay maglagay ng ibang section sa komiks kung saan magkakaroon ng information drive about the global warming or section for OFW. In a way, convinced na si Mr. Caparas sa idea dahil nabanggit na niya nang magkaroon ng launching ang CJC Komiks na meron limang titles carrying his name - Carlo J. Caparas. Kasi kung magkakaroon ng ganitong section sa komiks na ilalabas – baka masira ang original concept.
Kinasanayan na ang pagbabasa ng komiks na walang ganung kasama dahil ang pagbabasa nito ay paglilibang. Marami namang existing campaign ang pamahalaan tungkol sa global warming at iba pa. Siguradong mas maaliw silang magbasa kung walang mga ganoong kasama sa mga bagong komiks na ilalabas ni Carlo J. na ang Sterling Publications ang magpi-print.
Suportado kasi ng National Commission for Arts and Culture ang nasabing proyekto na ang chairman ay si Ms. Cecil Guidote-Alvarez na asawa ni Sec. Alvarez kaya yun ang connection. Sa September 4 na ilalabas ang unang issue ng mga bagong komiks na glossy ang gamit na papel.
Rewind lang ng konti. Naalala ko lang na sobrang patok
Past forward na, sa pagbabalik ng komiks,
One million copies ang ipi-print sa unang issue na according kay Ms. Donna Villa ay malamang kulangin pa dahil ang daming orders.
* * *
Paki ng isang friend:
Maari raw pinanganak si Victoria ‘Vicky’ Pasion-Sabben sa London, but she is every inch her Pinay mother’s daughter (her dad is Sri Lankan). Sa edad na 14, nakapag-perform na siya sa ilang theater productions, like Chitty-Chitty Bang-Bang (venue: London Palladium), To Die For in Drury Lane and Disney’s The Lion King, staged at the Lyceum Theatre in London.
Vicky attended the Sylvia Young Theatre School in U.K. and has appeared in several TV specials and commercials. One of them landed her a guesting stint in Little Wonders Belfast Ireland. She has also appeared alongside Westlife no less in the music video “War is Over.”
Kumanta na rin siya sa prestigious Disney Awards 100 Voices at Royal Albert Hall.
She debuted on the big screen in the London-produced Around the World in 80 Days bilang singer-actress. Vicky would repeat the feat in The Lion, The Witch and the Wardrobe and Thunder Birds.
Kasalukuyang nasa bansa si Vicky to work on her five-song debut CD Lite with Vehnee Saturno para mai-share naman niya sa mga kababayan niyang Pinoy ang kanyang kakaibang talent.
* * *
Happy birthday sa kaibigang sina Mario Dumaual (today July 31) and tita Ethel Ramos, tom, Aug. 1. Cheers!
- Latest