^

PSN Showbiz

Papatok pa kaya ang komiks?

ISYU AT BANAT - Ed De Leon -

May pag-asa pa bang mabuhay ang komiks? Iyon ang paniniwala ng maraming mga manunulat at dibuhista ng komiks, pati na rin si direktor Carlo Caparas na nagsabing babalikan niya ang pag­susulat sa komiks at iiwanan na muna ang pelikula. Si direk Carlo ang tinawag noong araw na “komiks king” dahil sa kanyang mga nobela na sinubaybayan ng maraming mga tao.

Pero kung noon ay sikat na sikat ngang libangan ng mga tao ang komiks, unti-unti iyong pinatay ng mga publisista rin noon. Naglabas sila ng pocketbooks na Pilipino, dahil maliit ang cost of production noon at naipagbibili nang mas mahal kaysa sa komiks, bukod pa sa mas matagal na naipagbibili iyon, hindi kagaya ng komiks na makalipas lamang ang isang linggo ay luma na.

Lalong namatay ang komiks nang may mga publisista na sa hangad na makapaglabas noon nang halos wala nang puhunan ay nag-reprint na lamang ng mga lumang istorya at dibuho mula sa mga luma nilang komiks. Parang inuulit lamang ang mga kuwento na nahalata naman ng mga mam­babasa kaya hindi na sila bumili. Bukod doon, nag­mahal pa ang mga komiks.

Ngayon may bumibili pa rin ng komiks, pero ang binibili ngayon ng mga kabataan ang higit na mahal na imported komiks, iyong mga Japanese manga at anime.

Ngayon may pagkilos na pinangungunahan nga ni direk Carlo para maglabas ng mga bagong komiks na sinasabi nilang mas pinaganda at sampung piso lamang ang halaga kung bibilhin. Mas makabuluhan din daw ang mga gagawin nilang kuwento sa mga bagong ilalabas na komiks.

Pero magki-click pa kaya ang mga komiks bilang isang medium of entertainment? Hindi natin mala­laman ang kasagutan hanggang hindi nila nailalabas ang sinasabi nilang mga bagong komiks. Pero natutuwa kami sa gagawin nilang iyan, para matigil na ang mga naglalabas ng komiks na puro reprint lamang at ayaw magbayad ng writers.

*  *  *

Mataba si Rose­marie Sonora, pero naka-maintain ng kan­yang katawan kahit na may edad na rin ang dati niyang ka-loveteam na si Pepito Rodriguez.

Tuwang-tuwa naman ang kanyang mga apo nang makita ang picture ni Ricky Belmonte at sinasabing pogi daw pala talaga ang kanilang lolo.

Sina Rosemarie, Pe­pito at Ricky Belmonte ang mga bagong stars na pinarangalan ni Kuya Germs sa paglalagay ng mga stars na may pa­ngalan nila sa Paradise of Stars doon sa Mowel­fund Plaza. Mukhang concentrated si Kuya Germs doon sa Paradise of Stars, at sinasabi pa nga niyang may plano para sa kanyang birthday celebration doon mismo na ang balak naman ng executive director ng Mowelfund na si Boots Anson Roa ay gawing isang pormal na fund raising para maisa-ayos ang swimming pool doon sa likod at nang pakinabangan nga na­man.

Hindi naman daw niya iiwanan ang pro­yekto pa niyang Walk of Fame, lalo na nga’t sina­sabi niyang nakikipag­tulungan naman ang Eastwood City sa pa­ngangalaga, pero ang naiisip naman ni Kuya Germs, mukhang mas permanente ang nasa Mowelfund dahil ang lugar ay pag-aari ng industriya ng pelikula mismo.

vuukle comment

KOMIKS

KUYA GERMS

PARADISE OF STARS

PERO

RICKY BELMONTE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with