Magandang abogada, gustong magka-anak kay Ted Failon!
Siyam na buwan na silang magkare lasyon ngayon ni Angelica Panganiban, pag-amin ni Derek Ramsey, pero hindi niya masabi kung kailan ang eksaktong araw ng pagiging magkarelasyon nila.
“Wala kasi kaming ganun. Hindi naman sa nababaduyan kami, pero wala talaga kaming monthsary, wala kaming particular date na inaalala,” sabi ng gwapong aktor.
Basta sa pagkakaalam niya ay siyam na buwan na silang nagkakapalagayang-loob ng magandang dalaga, mahal nila ang isa’t isa, espesyal ang bawat araw ng kanilang pagkikita-pagsasama.
Magandang kumbinasyon, sabi nga ng mga nagmamasid dahil gwapo si Derek at maganda naman si Angel. Ayon sa binata ay napakadaling mahalin ni Angelica dahil mabait at malambing ito, bukod pa sa marami silang pinagkakasunduang bagay-bagay.
“Simple siya, sincere, saka ipaglalaban ka talaga niya,” papuri ni Derek Ramsey sa kanyang girlfriend.
Medyo kalmado na siya ngayon dahil mukhang tumigil na sa kasusunod sa kanya ang isang lalaking ipinalalagay nilang stalker, mula nang ireklamo niya sa security office ng ABS-CBN ang lalaki ay hindi na ito napagkikita ngayon sa kanyang taping, kaya relax na siya.
“Ganun pala yun? Mahirap pala yung merong laging nakasunod sa iyo kahit saan ka magpunta. Imagine, hanggang sa taping namin sa Batangas nakasunod siya? Nung one time na nasa waiting area ako ng Ysabella, meron akong naririnig na sumusutsot sa akin, may gumagalaw din sa may puno.
“Nandun yung lalaking long haired, nakatingin sa akin, nakakatakot ang itsura niya. Pero ang pinakamatindi, eh nung paalis na ako, pagsakay ko sa car, patakbo siyang sumusunod!
“I didn’t know what to do, masyado na siyang gumagawa ng mga bagay na ikakakaba ko, kaya nagsabi na ako sa EP namin. Sila na ang nagsabi sa security force na huwag nang papasukin yung lalaki sa set ng U Can Dance at sa taping ng Ysabella,” kwento pa ni Derek.
Ang gusto ng kanyang stalker ay sa kanya tumira, gusto raw nitong maging PA (alalay) ng gwapong aktor, isang bagay na imposibleng mangyari.
* * *
Naaawa kami sa isang magaling na aktor na meron nang karelasyon ay hindi naman makalantad sa publiko. Walang kwestiyon sa kanilang pagmamahalan, ang isa’t isa ang kanilang inspirasyon, pero maraming humaharang sa kanilang relasyon.
Tanggap naman ng aktor na mangyayari talaga yon dahil hindi pa gaanong plantsado ang kanyang personal na buhay, kailangan pa nilang maghintay ng karelasyon niyang ak tres, kaya lang ay nalulungkot pa rin ang kanilang sitwasyon.
Mahal na mahal ng aktor ang kanyang girlfriend, pero hindi naman sila makalantad, hindi sila pwedeng makitang magkasama sa labas dahil siguradong malaking kontrobersya ang kauuwian nun.
Pero mahal na mahal namin ang aktor na ito, sa kabila ng kanyang kasikatan ay tagumpay ay tulad pa rin siya ng dati, walang kaere-ere at hindi nakakalimot sa kanyang simpleng nakaraan.
Swabeng-suwabe niyang dinala ang mga swerteng dumarating sa kanyang buhay.
* * *
Huwag naman sa nang ikalalaki ng ulo ng magaling na anchorman-broadcaster na si Ted Failon, pero meron kaming kakilalang magandang abogada na ang tanging hiling ay ang magkaanak sa kanyang idolong mamamahayag.
Parang hindi kapani-paniwala dahil propesyonal ang babae, maganda pa, pero kahit sinong manliligaw nito ay mukhang walang pag-asang mapagtagumpayan ang kanyang puso dahil kay Ted.
Maasim talaga itong si Ted Failon sa mga kababaihan at hindi lang yun, may mga kakilala rin kaming bading na siya ang iniilusyon.
Tuwang-tuwa ang mga kaibigan naming badichi mula nang mag karoon na ng tele-radyo ang DZMM, araw-araw na raw nilang napapanood ang matapang na newsman, mas gusto nilang nakikitang kaswal na kaswal lang ang itsura ni Ted Failon sa pang-umagang programa nila ni Korina Sanchez kesa sa pormal niyang gayak sa TV Patrol World.
Komento ng kaibigan naming bading na laging nakatutok sa mga programa ni Ted. “Ang yummy-yummy niya! Parang ang sarap niyang magmahal! Basta!”
Hay, naku!
- Latest