^

PSN Showbiz

Gatecrashers bawal sa b-day ni Dolphy

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Bukas na ng gabi ang pinakahihintay na birthday bash ng king of comedy na si Dolphy.

Isang malaking party ang inihanda at babali­kan ang panahon ng 1920’s.

Strictly invi­tational – bawal ang gate­crashers dahil naka­lagay sa invi­tation na “gate­crashers will be sent directly to jail,” pero with match­ing smiley.

Sa Chi­nese ca­len­dar, 80 years old na ang ace co­me­dian. Bawal kasing i-cele­brate ang mga 9 na end­ing ng birth date so since 79 ang real age niya, instant 80 years old na siya.

Gaganapin ang cele­bration sa Villa Immacu­lada and dinner starts promptly at 7:00 p.m.

Nakalagay pa sa invitation na “come in your ritzy and swanky gangster suits, zoot suits, wing tipped shoes, flap­per dresses, pearls, boa feathers, long satin gown. May naghihintay na premyo sa mga maga-outfit.

“Don’t be a flat tire and scram after dinner. A band will play your favorite 20’s tunes so that the ladies can bring their gams to the dance­floor. Giggle water will be served as we set up speak easy bars for the night. Get ossified, spif­filated. Have an enjoy­able time – whoppee!”

* * *

Literal na yung da­ting ugly na admitted na­man sila, transforms sa kakaibang ganda at confidence after nilang ma­ayusan ng Holly­wood affiliated cosmetic and dermatological cli­nic, Beverly Hills 6750 sa one-of-a-kind search na Miss Ugly (No More).

Actually, never sigu­rong pumasok sa isip nilang tatlo na magiging ganun sila gaganda - especially nang mag­karoon ng final night three days ago.

Ang tatlong finalist – Ma. Luisa Ra­mos, 23, of Ton­do, Manila, Jera­lyn Es­corel, 27, of An­tipolo City and Lou Victo­rioso, 31, of Bul­a­­can ang binig­yan ng chance ng Be­ver­ly Hills 6750 der­matolo­gical, dental and aes­thetic surgical proce­dures sa loob ng tat­­long buwan.

Tagumpay. Sigura­dong umabot sa milyon ang nagastos sa kanila kung susumahin dahil ang dating sobrang taba ay naging slim at lumaki ang mga boobs nila.

Ang laki rin ng mga napanalunan nilang premyo.

Actually, bago sila napiling tatlo, maraming nagkainteres na sumali sa nasabing timpalak.

Nagwagi sa kanila si Lou na magaling ding kumanta at siya nga­yong magiging spokes­person ng Beverly Hills 6750 para mag-spread ng balita particularly sa katulad niya na di inisip noon na  kahit kailan ay magiging ganun siya kaganda.

Kaya kung may da­tung kang pam­bayad, wala tala­gang impo­sible para hindi gu­man­da. Ang da­ming pa­raan. Punta lang kayo sa Be­verly Hills dahil marami silang mga doctor na expert sa field of plastic surgery, derma­tology and aes­thetic dentistry. Dala kayo ng photo ng gus­tong kop­yahing muk­ha sigura­dong hindi mag­tatagal, maglala­kad kayong nakataas ang noo.

* * *

Maraming naka­pan­sin kay Precious Lara Quigaman sa press­con ng That’s My Doc na kailangan niya ng make over.

Parang hindi raw siya masyadong cons­cious sa kanyang phy­si­cal appearance lately at kahit sa kanyang photo na distributed during the presscon ay hindi mas­yadong gla­mo­­rosa.

Comment ng isang bading, nabawasan ang appeal ni Precious Lara after na manalo siyang Miss Inter­national.

“Sayang naman. Up to now, parang hindi siya gaanong napa­pan­sin,” comment ng bading na parang nag­mama­lasa­kit naman.

Anyway, mas pinili ni Lara na maka-part­ner si Aga Muhlach sa That’s My Doc kesa sa isang noontime show. Matagal na raw kasi niyang gustong maka­sama si Aga na Kuya ang tawag sa actor.

Mapapanood ang That’s My Doc every Sunday after Sharon.

Pero exciting ito da­hil matagal na nating hindi napapanood si Aga sa TV na nagpa­patawa.

More than a year ago pa ang huling show niya.

Doctor Aga uli siya rito. But this time, pedia siya rito. Dati kasi bete­naryo.

vuukle comment

AGA MUHLACH

BEVERLY HILLS

CITY AND LOU VICTO

DOCTOR AGA

LUISA RA

MY DOC

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with