Jopay, pinapangit
Gaano katotoo na inoperan daw ng GMA-7 si Anne Curtis na muling bumalik sa kanila at ang nakakalulang offer daw ng bossing na galit kay Angel Locsin ay, “name your price”.
In fairness ay open naman daw ang kampo ni Anne sa napaka-irresistible na offer kaso may commitment pa ang dalaga sa ABS-CBN dahil may book two ang Maging Sino Ka Man at another soap drama with her closet boyfriend, Sam Milby.
Bukod dito ay kaliwa’t ka nan din ang TV guestings ni Anne sa Dos at kung hindi rin kami nagkakamali ay may shows din siya abroad.
* * *
Sa press launch ng Daisy Siete Season 16 na may episode title na Tabachingching ay inamin sa amin ng isa sa producer ng Focus Entertainment na si Joy Cancio na nag-over budget siya sa Isla Chickitas or Season 15 dahil isang milyon o dalawang milyon lang ang allotted niya para sa isang season, pero this time, umabot siya sa tatlong milyon.
At dahil maganda naman ang ratings at istorya ng Season 15 ay itinuloy na ni Joy at hoping na makakatipid na siya sa Season 16 dahil dito lang sa Manila ang taping at hindi na sa malalayong lugar.
“Hindi pa rin pala, kasi ‘yung prosthetics ni Jopay mahal din, kaya sabi ko, mukhang palaki nang palaki ang budget, buti na lang at mababait ang GMA-7 dahil tinutulungan kami sa advertisers,” paliwanag ni Joy.
Nabanggit din na ka-join pa rin sa Tabachingching episode ang dalawang Sexbomb member na nag-asawa na, sina Weng Ibarra at Evette Pabalan na parehong nasa interesting stage.
“Hindi ko na lang sila pinadalo sa press launch para makapagpahinga kasi bukas (Miyerkoles), e, may taping na, e, iba na ang kundisyon nila ngayon kaya need nila ng rest. Definitely, nasa akin pa rin sila hangga’t kaya nilang mag-work,” esplika ng mabait na producer.
Samantala, puring-puri ng ilang katoto si Joy dahil every time raw na nagpapa-presscon para sa bagong season ng Daisy Siete ay bongga, at parating may pa-raffle na nagbibigay suwerte sa kanya.
“E, ‘yun lang naman ang way ko para magpasalamat sa lahat ng press people na tumutulong sa amin, imagine naka-Season 16 na pala kami, siyempre kung hindi naman ‘yun naisusulat ng maganda from you guys, hindi rin kami mababasa at panonoorin.
“Siyempre, thankful kami talaga sa GMA-7 dahil sa tulong at magandang exposure na ibinibigay sa amin,” magandang sabi ni Joy Cancio. – REGGEE BONOAN
- Latest