^

PSN Showbiz

Bong, Lani at Rosanna, pinagka-sundo ng isang munting anghel!

SHOWBIZ MISMO! - Cristy Fermin -

“Birthday mo, pero ako ang niregaluhan mo. Akala ko pa naman, eh kami ang magre­regalo sa iyo, pero ikaw pa ang nagregalo sa amin,” na­ kangiti pero nangingilid ang luhang sabi sa amin ni Lani Mer­cado bago sila uma­lis ni Senator Bong Revilla sa aming ka­arawan.

Walang nagma­ni­obra sa kanilang pag­kaka­sundo ni Rosanna Ro­ces, ang totoo ay suntok sa buwan ang pagdalo ng aktres sa aming sele­brasyon, dahil ayon kay Osang nung mag-text ito sa amin nung Martes nang hapon ay ipada­daan lang daw nito ang regalo nilang mag-iina dahil meron itong bron­chitis.

Pero takdang pana­hon na nga siguro para magkaintindihan sila, nagkrus ang kanilang landas, samantalang niyayaya na ni Lani si Senator Bong na dun sila pumuwesto sa ki­nau­ upuan ni Tirso Cruz III.

Malaki ang second floor ng Metro Bar, may dalawang hagdan paak­yat dun na kapag nasa kanan ay napakalayo na ng distansiya mo sa mga nasa kaliwa, nasa du­long kaliwa si Pip na gus­tong puntahan ni Lani.

Dun umakyat sa ka­nang hagdan si Osang walang ka-alam-alam na nandun pala ang mag-asawa. Marespeto ta­laga si Senador Bong, dahil nang makita nitong padating ang kanyang balaeng hilaw ay agad itong tumayo, nagkatiti­gan naman sina Lani at Osang na ang kinapun­tahan ay positibo.

Maganda ang ek­sena, nagyakapan-nag­beso ang dalawa, kitang-kita namin ang sinserong pagtanggap ni Lani sa aksidente nilang pagki­kita ni Ro­sanna.

Sabi nga ni Osang, “Hindi puwedeng hindi kami magkasundo dahil merong isang batang nag-uugnay sa amin. Sa ayaw namin at sa gusto, kailangan namin mag­kasundo dahil nan­diyan si Budoy na apo namin na pareho na­ming ma­hal.”

Sabi naman ni Lani, “Ka­ ninang papunta kami dito, meron akong ibang na­ramdaman. Nagdasal ako sa CR, iba kasi ang pakiramdam ko. Ito pala yun. Salamat kay Lord,” sinserong pahayag ng aktres.

* * *

Ginagamit pamin­san-minsan ni Osang ang puting Pajero na ibinigay ni Senador Bong para sa kanyang apong si Bu­doy, nagi­ging isyu nga­yon ang paggamit ni Osang sa nasabing sa­sakyan, pero mabilis naman ang paglilinaw ng aktor-politiko.

“In fairness kay Osang, nung mag-usap kami, sinabi niya sa akin na gagamitin niya yun kapag may malalayo siyang location, yung maliit munang kotse niya ang gagamitin ni Gab.

“Artista rin ako, alam kong mahirap magbi­yahe kapag maliit ang sasakyan, saka kaila­ngan niya yun para sa kanyang mga gamit,” maginoong paliwanag ni Senador Bong.

Nung  tawagan ni Osang si Senador Bong, ang gusto niya sana ay paabonohan muna ang sasakyan sa aktor-puli­tiko at huhu­lugan na lang niya yun buwan-buwan, pero hindi pumayag si Sen­ador Bong.

“Kinabukasan, tuma­wag sa amin si Jolo, ang sabi niya, ipadadala na raw nila ang Pajero. White ang kulay, dahil kapag nag-uusap sila ni Budoy at tinatanong siya ng lolo niya kung anong kulay ng car ang gusto nya, white ang sinasabi ng bata sa kanya,” kwento naman ni Osang.

Salamat naman at natuluyan na rin ang pagkakasundo ng dala­wang kampo, totoo ang kanilang katwiran na mag-iwasan man sila ay walang mangyayari, da­hil may isang batang nagdudugtong nag-uug­nay sa kanila.

Magkasundo na sina Grace Adriano at Jolo, tanggap na nila ang katotohanang hang­gang dun na lang ang napa­kamusmos nilang relas­yon, meron nang ibang boyfriend ngayon si Grace at si Jolo ay me­ron na ring girlfriend na nakita na nang per­sonal ni Grace.

“Tumatawag siya ka­pag magpapadala ng sus­tento kay Gab, ma­ayos naman po kami, ta­pos na ang mga away-away na­ min pareho na kaming masaya nga­yon,” naka­ngiting sabi ni Grace.

Ang milagro nga na­mang nagagawa ng pre­ sensiya ng isang munting anghel.

BONG

JOLO

LANI

NIYA

OSANG

SENADOR BONG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with