^

PSN Showbiz

“Bakit kailangang maghiwa-hiwalay ang mga artista?” – Aga Muhlach

- Veronica R. Samio -

Pumapalakpak ang mga tenga ko habang nakikinig sa mga sina­sabi ni Aga Muhlach sa presscon ng kan­yang bagong sitcom sa ABS CBN, ang  That’s My Doc.

Sinabi ni Aga ang kanyang opinyon pero mas gusto kong ta­waging sentimyento sa nagiging paghihiwa-hiwalay ng mga artista ngayon.

“Dying na kung ta­wagin ang ating local entertainment industry pero, bakit hindi pa pwedeng magsama ang mga artista ng Siete at Dos? Bakit kailangang maging divided ang mga ar­tista? Kung merong mga pelikula, bakit hindi pwedeng mag-promote ang mga artista ng Dos sa Siete at ang mga artista ng Siete sa Dos?

‘Hindi ko talaga ma­intindihan kung bakit kailangang mag­pa­tayan ang mga ar­tista gayong ang dapat lamang naming gawin ay pagandahin ang aming mga shows para mapasaya ang mga  tao at wala kaming iisipin na patayin ang aming mga kalaban?”

Ang ganda hindi ba? First time ko na may marinig na artista na magsalita ng ganito. Sana lamang ay ma­rinig ito ng mga taong kinauukulan para kahit may kompetisyon ay maging magkakaibigan pa rin ang mga artista.

Pinabilib talaga ako ni Aga. But then nasa posisyon na naman siya para  makapagbi­gay ng ganitong opi­nion. Maraming katu­lad niya ang may takot pa na ilabas ang na­raramdaman nila. Ta­kot sigurong mawalan ng pelikula, programa sa TV o anumang assignment, takot maka-antagonize ang mga bosses.

Pero, si Aga has reached that level that he could say his piece na walang pwedeng pumigil sa kanya o matatakot sa magiging resulta ng mga sasa­bihin niya.

Sana madag­da­gan pa ang katulad niya.

Going back to That’s My Doc, doktor na naman ang role niya, pero doktor ng tao at hindi ng mga hayop na katulad ng role niya sa isang naunang sit­com.

Ipinapanood sa amin ang trailer ng sitcom, in fairness, nakakatuwa. Andun na naman ang masayang tandem nila ni Ro­derick Paulate na ta­lagang hinangaan ko sa Oki Doki Dok. Plus si Bayani Agbayani  na binigyan ng bagong kapareha in the person of Pokwang. Kasama pa rin sina Nova Villa, JC de Vera, Eda No­lan at Celene Lim.

Bagong ingredient naman si Lara Quiga­man.

Direksyon naman ni Danny Caparas.

* * *

Patok talaga sa akin ang mga album ni Jose Mari Chan. Lalo na itong latest album niya na ang mga  kanta  ay  sumi­kat nung kaba­taan ko at dahilan sa music lover ako kung kaya’t mga kabisado ko. Idagdag  mo pa ang pangyayaring guitar person ako,  at ang kilalang-kilang tunog sa album ay ang taginting ng gi­tara kaya’t ang “Jose Mari Chan Love Let­ters and Other Sou­venirs”  is something to look forward to, buy and col­lect ng  mga ma­hihilig sa mga maga­gan­dang awitin na ka­tulad ko.

Just con­sider  the con­tent:  “How Do You Fall In Love”, “ You & I”, “ My Foolish Heart”, “Love Let­ters”, “ So In Love”, “I Just Want To Dance With You” at marami pang iba.

My mga duet num­bers siya with Agot Isidro (“Moonglow”, Theme from Picnic), Rachelle Gerodias (“If We Were In Love”), Samantha Chavez (“Un­expected Song”) at Suzy Unas (“Our Love Is Here To Stay”.

May mga guest singers sa album, like Liza Chan-Par­pa, his daughter (“We Can Be Kind), Jose Anto­nio Chan, his son (“God Only Knows”), Aiza Seguerra (“Just For A While”) at  Laine Lau­dico (“April Fools”).

* * *

[email protected]

MY DOC

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with