^

PSN Showbiz

Masamang damo ang bokalista ng 6Cycleminds

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate -

Ang suwerte naman ni Rhoneil Dimacu­la­ngan vocalist ng 6Cy­cle­minds dahil di siya napu­ruhan matapos  mahu­log ng dalawang beses sa backstage na 10ft ang taas.

Pero dahil “the show must go on”,  pinilit pa rin ni Rhoneil na buma­ngon kahit putok at du­guan na ang kanyang ulo sa da­lawang magka­hi­walay nilang shows na ang isa ay  sa hydrolic stage ng Araneta.

 “Masamang damo ako. Pero, kaya siguro nga hindi ko pa oras,” sambit ni Rhoneil.

Si Rhoneil ay 25 yrs, old pero nag-stop sa kanyang kursong Con­servatory of Music nung 3rd yr na siya sa CEU.

Marunong siyang tu­mugtog ng guitar, trum­phet, piano pero drums ang pinaka­pa­borito niyang instru­ment.

“Ang sarap kasi ng beat. Sa drums,  naila­la­bas ko ang expres­sion ko, nawawala ang stress ko,” paliwanag nito.

Classmate naman ni Rhoneil si Rye Sar­mento since elemen­tary hanggang college. Third year din siya nang huminto sa kur­song Conservatory of Music sa CEU. Pareho rin silang lumaki sa Don Bosco choir sa Tarlac.

Si Rye ang rhythm guitarist at gwapings ng grupo.  Pero wala si­yang gf dahil gusto raw ni­yang i-maintain ang “idol effect”.  Bukod daw  sa ka­wawa na­man yung kanyang ma­gi­ging gf dahil wala siyang oras para rito sa dami ng gigs nila.

Si Chuck Isidro, lead guitarist ay  gra­duate ng Philosophy sa La Salle. At si Bob Ca­na­mo, bassist ng gru­po ay dating member ng Moon­star.  At gra­duate ng Electronic Engineer­ing ng UST.

Nakatutuwa namang pakinggan si Tutti Ca­ringal, drummer ng grupo sa pagsasabing pinilit niyang magkaroon ng degree kasabay ng pagbabanda.  Graduate siya ng Legal Manage­ment.  Muntik na sana si­­yang maging military kaso nakalimutan lang niyang bumalik sa PMA dahil sa sobrang busy sa pagbabanda. Third siya sa kursong BS Na­tional Defense nang huminto ito sa PMA.  Pero dahil sa bata pa lang ay hilig na niya ang music ay nalihis ang kanyang atensyon pero pinilit pa rin ni­yang matapos ang kur­song  Legal Man­age­ment.

“Alam naman natin hindi habang buhay ang banda. Kaya gus­tong magka-degree,” pali­wanag nito.

Hataw ngayon sa MYX ang single nilang “Dinamayan” na may music video na release ng Sony BMG Music En­tertainment.

vuukle comment

BOB CA

PERO

RHONEIL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with