TV host kaliwa’t kanan ang utang
Kanya-kanyang diskarte ang mga artista sa kanilang career. Minsan hindi mo alam kung bakit sila tumatanggap ng trabahong mukhang hindi nababagay sa kanila. Pero naroroon na iyon eh, natanggap na nila. Minsan ang katuwiran ay, ‘trabaho lang iyan’.
Nabanggit lang namin ‘yan dahil kagaya nga ng sinasabi namin noong araw, naroroon ang pe ligro na ma-typecast na si Keempee de Leon bilang isang bading.
Ngayon hindi na siya gumaganap ng isang character, host siya ng isang reality show na ang sistema ng hosting ay bading pa rin.
Nakakahinayang dahil ang isang dating sikat na matinee idol, at isang mahusay na dramatic actor, ngayon ay wala nang ginagawa kung di nagbabading-badingan sa telebisyon para sa pera. Malaki rin ang kita at mas mabuti na kaysa sa wala.
Pero hindi ba nakakahinayang naman na ang isang mahusay na artista ay masasayang sa mga ganoong klase ng trabaho lamang?
* * *
Alam ba ninyong noong araw na hindi pa siya sikat, ang isang sikat na ngayong tv host ay may ugaling napakahilig mangutang sa kanyang mga kaibigan, at magsuot ng damit ng may damit? Ang totoo pala, hanggang ngayon ay marami pa rin siyang mga utang noong araw na hindi niya nababayaran, o wala na siyang planong bayaran. Kaya nga kahit na sikat na siya ngayon, hindi pa rin siya makapagmalaki dahil sa dami ng pinagkakautangan niya noong araw.
- Latest