^

PSN Showbiz

Wendy, bagong Burlesk Queen!

-

Napili na ang gaganap na Burlesk Queen na ginampanan noon ni Ms. Vilma Santos, ang pasaway na ex-housemate ng Pinoy Big Brother 2 na si Wendy Valdez.

Kahapon, Friday ginanap ang story conference para sa remake ng pelikula na gagawing Sineserye ng ABS-CBN.

Speechless ang 3rd placer ng PBB2 dahil sa magandang break na ibinigay sa kanya ng Dos at si Bruce Quebral ang leading man niya kaya naman parehong masaya ang dalawa dahil first TV project nila ay challenging na kaagad.

Hayan, tiyak na magsisisi ang mga nagne-nega noon kay Wen­dy dahil sa kanila, lead role kaagad ang ibinigay sa kanya at take note, Vilma Santos film pa.

Ang tanong, pumayag na ba si Governor Vi na si Wendy ang gaganap sa pelikulang memorable sa kanya?

Right after ng Natutulog Ba Ang Diyos ay ang Burlesk Queen na ang isusunod at say nga namin sa bossing ng ABS-CBN, mag-ala PBB2 din kaya ang ratings ng Sineserye ni Wendy?

*  *  *

Sa ginanap na Be Bench, Model Search press launch na ma­­pa­panood na sa July 29, Linggo sa ganap na 10:30 NG sa ABS-CBN ay ipinagdiinan ng ka-loveteam ni Gerald Anderson na si Kim Chiu na walang sinabing masama ang binatilyo sa direc­tor ng Gokada Go na si Bobot Mortiz tulad ng mga nasulat namin.

“Kasi kasama ko naman si Gerald parati, wala naman akong narinig na ganun, baka tsismis lang?” nagtatakang sabi sa amin ng dalagita.

Ipinaliwanag namin kay Kim na nagsalita na si direk Bobot tungkol sa isyu at nabanggit nga niya na sumama ang loob niya kay Gerald at umamin din ang huli na baka nga nakapagbiro siya ng wala sa loob niya dahil nga kapag tapings nga raw nila ng Gokada Go ay para silang mga naglalaro lang.

At naaliw kami sa sagot ni Kim, “Ah talaga, baka hindi ko narinig?  Pero alam ko, hindi masasabi ‘yun ni Gerald,” pagta­tang­­gol pa ng rumored girlfriend ng young actor.

Anyway, masayang ikinwento sa amin ng dalagita na first time pumunta ng Amerika na super to the max ang kaligayahang naramdaman niya dahil ang ganda nga raw ng US at super lamig daw.

“Natakot po ako sa mga bum nilang negro kasi nakakatakot ang mga itsura, pero mukhang mababait naman at malilinis sila, sosyal sila kasi kumpleto sila sa gamit, hindi tulad dito sa atin na mga gusgusin, sa kanila hindi, magaganda ang mga damit, ‘yun nga lang natakot ako kasi malalaki ang mga katawan nila,” seryosong tsika ni Kim.

Nagulat din daw sila ni Gerald dahil sangkaterbang Kimerald fans club pala ang sumalubong sa kanila, “Nakakagulat po kasi hindi ko ini-expect na may Kimerald pala roon.

“Nakakatuwa kasi ang dami-dami nilang pasalubong sa amin, mga damit, gamit, pabango, lotion, cologne, basta marami.  Kulang na lang hindi na ako mag-shopping, pero namili pa rin po ako ng additional kong gamit,” masayang kwento ng dalagita.– REGGEE BONOAN

BE BENCH

BOBOT MORTIZ

BRUCE QUEBRAL

BURLESK QUEEN

GOKADA GO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with