“Alam ba ninyo na ako’y nalulong sa barkada at naging drug user? Napakabata ko ring nag-asawa.
“Hindi talaga ako noon nagpaawat sa bisyo kahit pa sige ang pangangaral ng mga magulang ko. Hindi ko na ma-recall kung dahil sa baby o dahil nahihiya na rin ako sa kanila e pinasok ko ang mundo ng showbiz. Kahit ano lang. Naro’ng mag-utility ako, errand boy, ekstra, dancer, stand-in at siguro’y ang pinakamaliit na role sa mundo ng pelikula, basta lang kumita.
“Eto, ha, hindi kayo maniniwala. Anim na taon akong nakasama sa Valiente. Maliit ang role ko roon pero consistent for six years. Ang maganda, parang ito ang nagbukas sa akin sa mas malaking pagkakataon.
“Nagsimula akong production assistat (PA) sa Eat Bulaga. Noon ako natutong magsimba at manalangin. Dahil nagkaroon ako nang ganoon pagkakataon. Noon ako unti-unti nang kumalas sa droga.
“Dahil siguro nagbago na ako, mula sa pagiging PA ay kinuha ako ng TAPE as floor director. Talagang noon pa galawgaw, mabiro at mahilig na akong magpakuwela sa mga kasamahan ko. Yun ang naging instrumento para mapansin ako ng staff ng Eat… na para bang me potential pala ako. Yun ang naging turning point ng buhay ko.
“Siguro, kayong avid fan ng Eat Bulaga ay nakasubaybay kung paano mula sa pagiging floor director ay nagustuhan nila ang aking brand of comedy. The rest is history, di ba? Ang saya-saya ko, lalo na ang mga kapamilya ko. Proud na sila sa akin ngayon. Ako rin, proud sa aking nagawang pagbabago sa buhay.” –Mimi Citco