Direktor, pinuno ng pagkain ang kwarto ni Toni!
Very evident na in-love ngayon ang magaling na TV host/singer/actress na si Toni Gonzaga dahil sa tuwing uusisain siya tungkol kay Paul Soriano, ang direktor na nali-link sa kanya ngayon ay kitang-kita ang kislap sa kanyang mga mata.
Inamin ni Toni na dinalaw na siya ng baguhang direktor sa kanilang tahanan sa Taytay noong nagpapahinga ito da hil sa aksidenteng natamo sa ginawang commercial ad. Inamin din nito na minsan ay naloka ito nang halos punuin ng direktor ang dressing room ng mga paborito nitong pagkain nang mag-shoot sila ng music video. Kaya naman sobrang kinilig ito nang tanungin kung in-love ito ngayon dahil agad itong sumagot ng tumataginting na “Yes”.
Sa kabilang banda, nilinaw nito na hindi nanliligaw sa kanya ang apo ng namayapang matinee idol na si Nestor de Villa. “Laking Tate kasi siya at hindi uso sa kanya ang ligaw-ligaw. Ayaw niya dito dahil best foot forward daw ito. Ang importante ay mayroon kaming special feeling sa isa’t isa pero hindi naman ito “MU” o mutual understanding.” – ALEX DATU
- Latest