Dina, fan ni Juday!
Mukhang mahihirapan nang makabalik sa kanyang career ang aktor na si Jericho Rosales dahil sa nakaraang guesting niya sa concert ni Sarah Geronimo sa Araneta Coliseum ay hindi man lang nasiyahan ang tao sa performance niya.
Among the guests daw ay si Echo ang pinaka-boring at lumaylay ang show, lalo na raw nu’ng nag-duet sila ni Sarah ay hindi ma ganda ang blending ng boses nila dahil masyadong mababa ‘yung sa kanya. Bale ba, ang pagiging singer ang gustong maging career ngayon ng aktor.
* * *
Kakaiba naman ang hatol ng masa kay Carlo Aquino na isa ring mahusay na aktor na ngayon ay turned singer na rin dahil sa bandang Kollide with his long time friends.
Tanggap ng tao si Carlo bilang singer dahil may karakter daw at may boses kaya hindi naman ito mahihirapan na ma-penetrate ang music industry dahil may talento siya at higit sa lahat, marunong mag-compose ng kanta at say pa, “Marami na po kaming nabuong kanta, puwede na ngang i-advance ‘yung pangatlong album,” saad ng binata sa press launch ng “Alaala” album under Viva Records.
Ang ibang band members ng Kollide ay sina Aldo Aguilar, Edward Lizada, Aldwin Navarro at Anthony Watson Lu.
* * *
Isa kaya si Dina Bonnevie sa nagpapataas ng ratings ng Ysabella ni Judy Ann Santos?
Kaya namin ito naitanong ay dahil religiously ay inaabangan ng premyadong aktres ang nasabing soap drama ni Budaday na ayon mismo kay Dina ay first time niyang sumubaybay ng soap opera.
“Iparating mo kay Juday tito Alfie (Lorenzo) ha, I’m an avid fan of hers, gabi-gabi nanonood ako ng Ysabella, ha. Hindi ko pa nagawa ‘yun before,” nakangiting sabi ng aktres. – REGGEE BONOAN
- Latest