^

PSN Showbiz

Desiree, mas gustong maging kontrabida

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Hindi namin naki­lala si Desiree del Valle sa presscon ng Ouija dahil nag-iba ito ng hairdo. Naka-full bangs siya na buma­gay na­man. Kasama siya sa Ouija movie bilang si Lucy na ka­ibigan ni Sandra o Iza Calzado.

Sa Ouija ay na-possessed ito ng ma­samang ispiritu. Paano naman niya pinaghan­daan ang karakter na ito?

“Nanood ako ng horror movies tungkol sa napo-possess at pinag-aralan kong ma­buti ang kanyang gi­nagawa mula sa facial expression hanggang sa galaw ng katawan. I always practice infront of the mirror para ting­nan kung ano ang aking itsura,” aniya.

“One time nga kinu­rot ako ng isang taga­hanga at galit na galit sa akin dahil salbahe daw ako dahil inaapi ko si Jennylyn Mercado (na kasama ko sa Dangal ng Now & For­ever). Sinumbatan pa ako kung bakit lagi kong inaaway si Alta (Jenny­lyn). Natutuwa naman ako dahil ibig sabihin, convincing ang portrayal ko bilang kontrabida,” dagdag pa nito.

Isa sa pangarap ni Des (palayaw ng ak­tres) ay makalabas sa isang action-sexy mov­ie gaya nang ginagam­panan ni Angelina Jolie dahil idolo niya ito.

Napagkaka­malang Suplada

Tinanong sina Iza Calzado, Jolina Mag­da­ngal at Judy Ann Santos  ng Ouija kung ano ang masasabi nila kay Rhian Ramos na kasama rin sa movie. Napagkakamalan kasi itong suplada.

Nagkakaisa sila sa pagsasabi na prangka si Rhian at Inglesera pa kaya akala nila ay suplada. Pero mabait naman daw ang young actress.

Madaling nakagawa ng pangalan si Rhian dahil bukod sa ma­ganda ito at matalino ay may ibubuga sa pag-arte. Bentahe rin nito ang pagiging pro­pesyonal sa trabaho at di nagbibigay ng sakit ng ulo sa director at staff ng kahit anong teleserye o pelikulang nilalabasan nito.

Polo, Nangangayayat

Nangayayat si Polo Ravales matapos itong maospital nang tatlong araw sa Medical City. Nanikip ang dibdib nito dahil sa pag-inom ng gamot na  isang uri ng fat burner drugs. Kahit food supplement ay ayaw na rin nitong mag-take gayundin ang ibang gamot.

Nanghihinayang nga ito dahil tinang­gihan ang Fan­tasticMan at Tasya Fantasya pero ka­sama naman siya sa Lupin bilang manli­ligaw ni Rhian.

vuukle comment

ANGELINA JOLIE

DAHIL

IZA CALZADO

JENNYLYN MERCADO

JOLINA MAG

RHIAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with