Comedy program, ’di na uso
Last episode na bale nung nakaraang linggo ng tatlong weekly sitcom ng GMA-7, ang Bahay Mo Ba ‘To na tumagal sa ere ng mahigit dalawang taon, ang Who’s Your Daddy Now na tumagal lamang ng one season o 13 weeks at ang Hokus Pokus, Ibang Level Na. Ang nasabing mga programa ay pinalitan ng Kung Ako Ikaw, isang kakaiba at nakakatuwang comedy-reality show na kauna-unahang mangyayari sa Philippine television na magsisimula ngayong gabi, Hulyo 16. Magkatulong bilang hosts ang mga komedyanteng sina Keempee de Leon at Joey Marquez.
Ang Kung Ako Ikaw ay mapapanood ng tatlong araw sa loob ng isang linggo - Lunes hanggang Miyerkules. Naka-tape ang episodes ng Lunes at Martes at live naman kapag araw ng Miyerkules kung saan pipiliin ang celebrity winner na pipiliin ng ‘bisor’ (supervisor) at ang makakatanggap ng pinakamaraming text votes.
Ang Kung Ako Ikaw ay may touch din ng dating reality show ng GMA, ang Extra Challenge.
Ayon sa VP for Entertainment ng GMA na si Marivin Arayata, bibigyan lamang daw nila ng ibang atake ang mga comedy show dahil sawa na rin ang mga manonood ng mga traditional comedy shows. Kung magkakasunod na nawala sa ere ang Bahay Mo Ba ‘To, Who’s Your Daddy Now at Hokus Pokus, maiiwan naman ang Bubble Gang at Bitoy’s Funniest Videos kung saan parehong tampok si Michael V.
- Latest